• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagkaisa Labor Coalition, humiling sa DOLE na imbestigahan ang naganap na aksidente sa construction site sa QC

PINAIIMBESTIGAHAN ng labor coalition na NAGKAISA sa Department of Labor and Employment ang naganap na insidente habang nasa lugar ng trabaho o worksite kabilang na ang pagkasawi ng isang manggagawa at ikinasugat ng 10 iba pa sa construction site sa Quezon City.

 

 

Ang panawagan ay ginawa ni Nagkaisa Chair Sonny Matula kasunod na rin sa selebrasyon ng World Day for Decent Work ngayong October 7.

 

 

Sinabi ni Matula na makukunsiderang disente ang isang trabaho kung ang sapat at tama ang pasahod, may garantiya ng security of tenure at ligtas na kundisyon sa trabaho at may freedom of expression at mag-organisa ang manggagawa.

 

 

Una nang naiulat ng pulisya ang pagkasawi ng isa at pagkasugat ng 10 iba pang construction workers nang bumigay ang scaffolding na kanilang ginagamit sa trabaho sa Quezon City.

 

 

Nitong Agosto 28, naiulat din na isang trabahador din na nasa isang poste ng Cebu-Cordova bridge, ang nasawi matapos mahulog nang bumigay umano ang tinutuntungan nitong table.

 

 

Noong Agosto 22, isang construction worker ang nasugatan matapos na maipit makaraang bumagsak ang backhoe na kanyang ginagamit sa isang quarry site sa Cebu City.

 

 

Habang noong Hulyo 11, anim na construction workers ang namatay matapos gumuho ang pader sa isang construction site sa Tagaytay City at noong Hulyo 8, dalawang elevator installers ang nasawi matapos bumagsak ang elevator mula 38th floor hanggang ground floor sa Burgundy Tower sa Makati City.

 

 

Sinabi ni Matula na sa ilalim ng RA 11058, dapat siguruhing ligtas ang mga manggagawa sa lugar ng trabaho.

 

 

Dapat aniyang magbigay ang employers ng kumpletong job safety instructions o orientation sa lahat ng trabahador at sumunod sa Occupational Safety and Health Standards.

 

 

Upang makasiguro, hinikayat ng grupo ang mga employers at gobyerno na ipatupad ang pagbuhay sa health committees sa lahat ng lugar ng trabaho at payagan ang mga construction workers na magbuo ng unyon.

 

 

Ikinalungkot ng grupo na maramisa mga construction workers ay hindi protektado dahil walang unyon. (Ara Romero)

Other News
  • Lim pakay pumuwesto sa Summer Olympic Games

    AASINTA si Jamie Christine Lim ng ticket sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na inurong lang ng July 2021 dahil sa Covid-19 sa paglahok sa World Karate Federation (WKF) Olympic Qualification Tournament 2021 sa Paris, France sa darating na July 11-13.   “Mahirap ang kompetisyon. Hindi dapat magkamali roon,” lahad Miyerkoles ng 22-taong gulang, may taas […]

  • 3 PVL venue pasado na

    NALALAPIT nang bumalik sa ere ang Premier Volleyball League (PVL) nang pumasa sa Games and Amusements Board (GAB) ang tatlong pasilidad na gagamitin ng bagong professional women’s indoor league para sa bubble training camp sa Abril.     Ayon kay PVL president Richard Palou, prub kay GAB chariman Abraham Kahlil Mitra ang Ronac Gym sa […]

  • Andi, pinasilip na ang ‘bump’ ng second baby nila ni Philmar

    SA latest Instagram post ni Andi Eigenmann, pinakita na niya ang baby bump ng second baby nila ng partner na si Philmar Alipayo.   Nasa ika-23rd week na ng kanyang pagbubuntis si Andi. Sinabi nito na dahil sa quarantine, hindi raw niya masyadong ma-celebrate ang pagiging pregnant niya ulit dahil sa maraming restrictions at malayo […]