• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Undas magiging COVID-19 super spreader – DOH

MULING  nagpaalala sa publiko ang Department of Health (DOH) na maaaring maging ­COVID-19 ‘super spreader event’ ang pagpunta ng publiko sa mga sementeryo sa ­darating na Undas ngayong ­Nobyembre.

 

 

Iginiit ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi ­kinakategorya ang Undas na “low risk setting” dahil taun-taong ­dinadagsa ng napakaraming tao ang bawat sementeryo.

 

 

Kaya payo ni Vergeire ang mahigpit na pagsusuot pa rin ng face mask ng bawat isa kahit na niluwagan na ang pagsusuot nito sa mga ‘outdoors’, bilang pamproteksyon sa sarili at maging sa mga uuwian na mga kaanak.

 

 

Nagpaalala rin ang opisyal na dapat nakapagpaturok na kahit ng unang dose ng booster shot bago magtungo sa puntod ng mga minamahal para may dagdag na proteksyon laban sa virus.

 

 

Sa ngayon ay nakikitaan ang bansa ng bahagya ngunit patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, kaya malinaw na masasabi na nananatili ang banta ng COVID-19 sa lahat.

 

 

Ngunit dahil sa mga nakaraang karanasan, naniniwala si Vergeire na alam na ng mga Pilipino ang kanilang gagawin para makaiwas na mahawa sa virus dahil ito na ang ikatlong Undas na nasa pandemya ang bansa. (Daris Jose)

Other News
  • OCCUPANCY RATE SA MGA OSPITAL AT QUARANTINE FACILITIES SA MAYNILA, BUMABABA

    BUMABA ang “occupancy rate” sa quarantine facilities at mga district hospital na pinapatakbo ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila matapos na buksan sa publiko ang Manila COVID-19 Field Hospital sa Rizal Park .     Batay sa pinakahuling datos ng Manila Health Department (MHD), nasa 24% na lamang ang occupancy rate sa anim na […]

  • Ilang mga bansa pumayag na maglagay ng sundalo sa border ng Ukraine at Russia

    NADAGDAGAN pa ang mga bansa na pumayag na maglagay ng kanilang sundalo sa Eastern European NATO countries bago pa man ang potensiyal na pagsalakay ng Russia sa Ukraine.     Ilan sa mga dito ay ang Romania, Bulgaria at Hungary na maglalagay ng tig-1,000 mga sundalo sa Baltic states at Poland.     Nauna ng […]

  • Kawatan timbog sa entrapment sa Malabon

    Nasakote sa ikinasang entrapment operation ng pulisya ang isang 31-anyos na kawatan nang tangkain ipatubos ang ninakaw na mobile phone at relos sa dalawang biktimang kanyang ninakawan sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Hindi na nakapalag si Ronald Lamigas, walang hanapbuhay at residente ng Block 37 Lot 17, Phase 2, Area 2, Dagat-Dagatan, […]