• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao todo pasalamat sa pagbasura ng korte sa kanyang P2.2-billion tax case, giit na ‘napolitika’ lamang siya

MISTULANG  nabunutan ng tinik si dating Filipino boxing champion Manny Pacquiao matapos ibinasura na ng Court of Tax Appeals ang tax case nito.

 

 

Ipinaabot ni ex- Pacquiao ang kanyang pasasalamat dahil lumabas na rin aniya ang katotohanan.

 

 

Inihayag nitong napolitika umano siya noon kaya nagkaroon ng nasabing isyu.

 

 

At dahil sa inilabas na desisyon ngayon ay nalinis na ang kanyang pangalan.

 

 

Aminado ng 43-anyos na dating presidential candidate na bumabagabag sa kanya ang hinarap na tax case kung saan malaking sagabal daw sa kanyang magandang mga plano at lahat ng galaw para matulungan ang mga kababayan.

 

 

Aniya, sa simula’t-simula pa lang ay kampante sila ng asawa na si Jinkee na mababasura lamang ang kaso dahil tinutupad naman nila ang obligasyong magbayad ng buwis.

 

 

Iginiit ng itinuturing na Pambansang Kamao na nagbayad na siya ng buwis sa Amerika at hindi na dapat magbayad pa sa Pilipinas dahil sa may kasunduan ang dalawang bansa para maiwasan ang double taxation.

 

 

“Kampante naman kami from the beginning pa lang eh, wala naman kaming itinatago, in fact, gusto nga namin magbayad kami ng taxes dahil nakatutulong din naman ito sa ating gobyerno. At hindi lang yan, besides sa pagbabayad namin ng taxes eh, ‘yung pera namin mismo ibinibigay namin sa taongbayan para makatulong kami,” saad pa ni ex. Sen. Pacquiao.

 

 

“In fact namimigay kami sa abot ng aming makakaya. Hindi kami nag-iimpok ng pera para sa aming sarili para yumaman ng yumaman. Ang sa amin eh ibinabahagi namin sa mga mahihirap na tao na nangangailangAn at siguradong alam ng mga kababayan ko ‘yan, lalong-lalo na dito sa Sarangani at GenSan,” dagdag pa na pahayag ni Pacman.

 

 

Kung ipapaalala, nagbunsod ang kaso ng akusahan ng Bureau of Internal Revenue ang dating senador at asawa nitong si Jinkee ng hindi pagbabayad daw ng P2.2 bilyon na buwis mula taong 2008 hanggang 2009.

 

 

Sa 49 pahinang desisyon, sinasabing walang nakitang anumang sapat na ebidensiya ang Court of Tax Appeals na hindi nagbayad ng buwis ang dating world boxing champion.

 

 

Ibinaba ang desisyon noon pang Setyembre 29 subalit ito ay inilabas lamang nitong Biyernes.

Other News
  • Abalos mas gustong sundin si Año, kaysa kay Roque ukol sa face shield policy

    SINABI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na mas gugustuhin pa niyang sundin ang posisyon ni Department of Interior and Local Government Secretary (DILG) Eduardo Año na tuluyan nang ibasura ang polisiya ng sapilitang pagsusuot ng face shield kahit walang approval o pagsang-ayon mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of […]

  • VHONG NAVARRO LIPAT NA SA BJMP-TAGUIG

    NAKATAKDANG ilipat sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang aktor na si Vhong Navarro     Ito ay matapos na nakatanggap ng National Bureau of Investigation, Security Management Section  (NBI-SMS) ng order  mula sa Regional Trial Court Branch 69.     Nakasaad sa nasabing order na lilipat na ng kulungan ang aktor mula […]

  • Fernandez, Tolentino may pulong para sa SEA Games

    NAKATAKDANG makipagtalakayan si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez kay Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino sa Biyernes, Pebrero 5 kaugnay sa preparasyon ng bansa para sa 31st Souhteast Asian Games 2021  sa Nobyembre 21-Disyembre 2 sa Hanoi, Vietnam.     Itinalagang chef de mission ng nasabing 11-nation, biennial sportsfest , ipinahayag nitong […]