DBM, P29.5-B aid ang naipalabas na sa mga ahensiya sa loob ng ‘100 days’ ni PBBM
- Published on October 11, 2022
- by @peoplesbalita
UMABOT na sa P29.5 bilyong halaga ng tulong ang naipalabas na ng Department of Budget and Management (DBM) para sa iba’t ibang benepisaryo sa loob ng ‘100 days’ ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.’ sa tanggapan.
Ang iba’t ibang klase ng tulong ay kinabibilangan ng suporta para sa mga magsasaka na apektado ng Rice Tariffication Law; vulnerable households na apektado ng inflation; nasa krisis na sitwasyon; mga biktima ng bagyo at lindol.
Nagpalabas din ng tulong para sa libreng sakay para sa mga commuters sa kahabaan ng Edsa Carousel Route at maging eligible public at private healthcare at non-healthcare workers na kasama sa Covid-19 healthcare response.
“The DBM has indeed made significant strides in supporting the current government’s plans, programs and projects in its first 100 Days and much more will be done as it looks forward in funding a budget that is responsive to every need of every Filipino,” ayon sa DBM.
Samantala, inilabas naman ng DBM ang listahan ng mga pinagdalhan ng pondo para sa mga benepisaryo gaya ng “P8 billion na ipinamahagi ng Department of Agriculture para sa P5,000 na subsidiya sa 1,563,781 eligible rice farmers na apektado ng Rice Tariffication Law sa “third and fourth quarters” ng 2022″ at “P4.1 billion, ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) para sa second tranche ng P500 monthly cash aid para sa mga low-income families o Targeted Cash Transfer (TCT) Program na naglalayong pagaanin ang epekto ng pagsirit ng presyo ng langis at pangunahing bilihin.
Kasama rin ang P2 billion para sa pamamahagi ng cash aid ng DSWD sa mga “difficult circumstances” kabilang na ang nasa krisis na situwasyon o Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
May P1.5 billion para sa pamamahagi ng P10,000 emergency shelter assistance ng departamento sa 153,410 totally damaged houses sa Regions 6, 8, 10 at 13 at naapektuhan ng bagyong Odette; P1.4 billion – para sa pondo ng Department of Transportation para suportahan ang extended na “Libreng Sakay” program. Pondo para sa libreng sakay ng commuters sa kahabaan Edsa Carousel Route until December 2022; P1 billion para sa pagpopondo ng Department of Health’s (DOH) sakop ang unpaid Covid-19 special risk allowance claims ng 55,211 health workers at P11.5 billion para sa pagpondo ng DOH sa One Covid-19 Allowance o Health Emergency Claims para sa mahigit na 1.6 million eligible public at private healthcare at non-healthcare workers. (Daris Jose)
-
RECORD BREAKING UNEMPLOYMENT SA PILIPINAS
Umakyat sa nakalululang 17.7% ang unemployment rate sa bansa o katumbas ng 7.3 milyong indibidwal na walang trabaho mula sa dating 2.3 milyon pagtatapos ng taong 2019. Ito ang bagong pinakamatas na rekord matapos ang 1998 economic recession sa Pilipinas kung saan umabot sa 10.3% ang kawalan ng hanapbuhay. Ayon kay Department of Labor […]
-
KARLA, nababatikos dahil sa desisyong tumakbo na party-list representative ng partidong bumoto laban sa ABS-CBN
HINDI namin talaga maintindihan kung bakit tumakbo na party–list representative si Karla Estrada sa partidong ang representative ay bumoto against sa renewal ng franchise ng ABS-CBN. Parang adding insult to injury naman ang ginawa ni Karla. Pinasikat ng ABS-CBN ang kanyang anak na si Daniel Padilla at binigyan din siya ng regular program […]
-
IMBENTOR ng SEATBELT DAPAT TULARAN sa PANAHON ng PANDEMYA ILIGTAS MUNA ANG PILIPINO BAGA MAGNEGOSYO
Sa ngayong panahon ng pandemya, may makukuha tayong aral kay Nils Bohlin ang imbentor ng V type 3 point safety seatbelt lalo na at nakalulungkot na may mga taong negosyo at politika ang inuuna kaysa sagipin ang buhay ng kapwa. Si Bohlin ay isang inhinyero ng Volvo na isang car manufacturer. Naimbento niya ang seat belt […]