• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Australian Open organizers papayagan ng makapaglaro si Djokovic

HANDA  pa ring tanggapin ng Australian Open si tennis star Novak Djokovic para maglaro sa susunod na taon na magsisimula mula Enero 16 sa Melbourne.

 

 

Sinabi ni Australian Open tournament director Craig Tiley, na kapag makakuha ng visa ang Serbian tennis star ay papayagan nila itong maglaro sa unang grand slam tournament ng 2023.

 

 

Handa aniya nilang ayusin ang naging gusot nito sa federal government.

 

 

Magugunitang pina-deport si Djokovic at hindi pinayagang maglaro sa nasabing torneo noong Enero dahil sa nagmatigas itong magpakita ng katibayan na siya ay naturukan na ng COVID-19 vaccines.

 

 

Sa ilalim ng batas ng Australia na maaring pagbawalan itong hanggang tatlong taon.

 

 

Hindi na rin ito naglaro sa US Open ngayon taon dahil sa hindi pa rin ito bakunado laban sa COVID-19.

 

 

Bukod kay Djokovic ay papayagan din ng organizers ng Australian Open ang mga manlalaro ng Russia at Belarus basta gagamit sila ng neutral flag.

 

 

Pinagbawalan kasi ng mga tennis authorities ang mga manlalaro ng Russia at Belarus matapos ang pag-atake sa Ukraine.

Other News
  • 10 pang ruta ng mga PUJs, binuksan sa Metro Manila; higit 1-K jeep, makikinabang

    Mahigit 16,000 na ngayon ang bilang ng mga public utility jeepneys (PUJs) ang balik kalsaa matapos nang payahan ng Land Trnasportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang karagdagang 10 ruta dito sa Metro Manila.     Sa pagbubukas ng mga ruta aabot naman sa 1,006 na otorisadong jeepneys ang bibiyahe sa iba’t ibang ruta.   […]

  • 3 huli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Valenzuela

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaktuhan ng mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela Police ang naarestong mga suspek na sina Jayson Abucot, 41, construction worker, […]

  • PDu30, gustong bumalik sa Odette-hit provinces sa kabila ng COVID-19 case surge

    NAIS nang bumalik ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga lalawigan na winasak ng bagyong “Odette”.     Ito’y sa kabila ng pagsirit ng bagong surge ng COVID-19 cases na dahan-dahang winawalis ang iba’t ibang bansa.     Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People,  na nais niyang muling bisitahin ang mga […]