• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1.1 milyong passport slots hanggang Disyembre, binuksan

NAGBUKAS  ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng mas maraming passport appointment slots simula ngayong linggo hanggang Disyembre 2022.

 

 

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hindi bababa sa 800,000 slots ang ginawang available bilang bahagi ng pagsisikap ng DFA na pahusayin ang kasalukuyang serbisyo ng consular.

 

 

Plano rin ng DFA na magbukas ng humigit-kumulang 300,000 slots bago matapos ang taon.

 

 

Sa isang event ng DFA sa Parañaque City, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary for Consular Affairs Henry Bensurto Jr. na ang mga slot ay para lamang sa loob ng dalawang linggo bago ang pagbubukas ng mahigit 800,000 appointment slots.

 

 

Idinagdag ni Bensuarto na mabibigyan ang publiko ng mas maraming pagpipilian sa iskedyul at site ng aplikasyon, at mapipigilan din ang paglapit nila sa mga fixers.

 

 

Kailangan din aniyang dagdagan ang bilang ng mga slots hindi lamang sa “daily basis” kundi sa “monthly basis” at upang magawa ito ay dapat pag-isipan ang mismong sistema upang madagdagan ang kapasidad ng iba’t ibang consular offices.

Other News
  • Duremdes gustong testigo si Esplana

    NAIS ni Maharlika Pilipinas Basket- ball League o MPBLl Commissioner Kenneth Duremdes na personal na makausap si dating MPBL coach Gerald (Gerry) Esplana ng Valenzuela City upang mas malalim na mabatid at magkatulungan para masugpo ang iba’t-ibang uri sa taktika ng game fixing, kasma ang point shaving.   “Gusto kong makita at mapanood iyung video […]

  • Ho 50 bisikleta ang ihahandog sa Pasig

    NAKATAKDANG tumanggap ng 50 biskleta ang mga residente sa Pasig City buhat kay dating Philippine SuperLiga (PSL) at television host Gretchen Ho.   Nakolekta niya ang mga bike sa magdyowang sina 2018 Miss Universe Catriona Gray, actor Sam Milby at ilang organisasyon sa pamamagitan ng kanyang proyektong #DonateABikeSaveAJob.   Ipinaskil ng former Petron Blaze Spikers […]

  • IPs, LGUs kasama sa Kaliwa Dam talks sa gitna ng kritisismo

    TINUKOY ng Malakanyang na kasama ang mga indigenous people’s groups at local government units (LGUs) sa negosasyon para sa pagsisimula ng Kaliwa Dam project sa Quezon at Rizal province.     Ang pahayag na ito ni acting presidential spokesperson Martin Andanar ay matapos na umapela ang grupong Kababaihang Dumagat ng Sierra Madre kay presidential bet […]