Duremdes gustong testigo si Esplana
- Published on October 8, 2020
- by @peoplesbalita
NAIS ni Maharlika Pilipinas Basket- ball League o MPBLl Commissioner Kenneth Duremdes na personal na makausap si dating MPBL coach Gerald (Gerry) Esplana ng Valenzuela City upang mas malalim na mabatid at magkatulungan para masugpo ang iba’t-ibang uri sa taktika ng game fixing, kasma ang point shaving.
“Gusto kong makita at mapanood iyung video ni coach Gerry (Esplana). Kung gusto niya, puwede kaming mag-usap, magtulungan para sa liga. Puwede namin siyang maging witness para malinis namin ang ating mga liga,” lbulalas ng opisyal ng liga ni Sen. Emmanuel Pacquiao.
Tiwala ang six-time champion at 1998 Most Valuable Player ng Philippine Basketball Association (PBA), na makakatulong ang pagabahagi ni Esplana sa pagbubunyag sa mga taktika na nagiging parte sa pagsasamantala ng ilan hindi lamang sa resulta ng mga laro kundi ikalilinis ng imahe ng liga.
“Kung kilala niya, puwede naming paimbestigahan. Mahirap kasi kapag walang data at ebidensiya,” hirit ng former University Athletic Association of the Philippines (UAAP) coach ng Adamson Soaring Falcons at ikalawang komisyoner ng semi-pro league( MPBL).
May katagalan na rin sa kalakaran sa sport si Esplana, na nagkapaglaro sa Philippine Amateur Basketball League (PABL) na naging PBL at PBA Developmental League, at PBA saka naging coach sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) bago sa MPBL.
Nag-1990 PBA Rookie of the Year siya, bagong nag-coach sa Emilio Aguinaldo College Generals sa NCAA at sa Valenzuela sa MPBL. Minsan na ring pumiyik siya sa isyu ng game fixing, pati si dating national, PBA, Metropolitan Basketball Association (MBA), NCAA at PBA na si Francisco Luis (Louie) Alas.
Nitong Nobyembre 2019, may ilang kinasuhan na rin sina Pacquiao at Duremdes sa MPBL. Pero dahil sa Covid-19 naipit sa Department of Justice (DOJ) ang paglalabas ng resolusyon.
Hanggang bukas pong muli mga giliw kong mambabasa dito sa People’s Balita Sports. (R.E.C.)
-
Celtics inagaw ang No. 1 seed sa East
SA ISANG iglap ay napasakamay ng Celtics ang No. 1 spot sa Eastern Conference. Humataw si Jayson Tatum ng 34 points at naglista si Jaylen Brown ng 31 points at 10 rebounds para banderahan ang Boston (47-28) sa 134-112 pagdakma sa Minnesota Timberwolves (43-33). Ito ang ikaanim na sunod na arangkada […]
-
National Press Freedom Day bill pasado na sa Senado
INAPRUBAHAN ng senado sa huling pagbasa ang panukalang batas na nagdedeklara sa Agosto 30 kada taon bilang National Press Freedom Day. Ipinasa ng mga senador ang Senate Bill 670 bilang pagkilala kay Marcelo H. Del Pilar na ikinokonsidera bilang father of Philippine Journalism. Nakakuha ito ng kabuuang 19 at walang kumuntra ganun din […]
-
Enrile, gustong ideklarang persona non grata ang ICC
SINABI ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na hindi dapat payagan na makapasok ng bansa ang International Criminal Court (ICC) probers para magsagawa ng pormal na imbestigasyon hinggil sa kampanya laban sa illegal na droga ng pamahalaan. “Pag punta dito, dapat wag papasukin sa bansa. Prevent him. The Immigration must not allow him […]