• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ho 50 bisikleta ang ihahandog sa Pasig

NAKATAKDANG tumanggap ng 50 biskleta ang mga residente sa Pasig City buhat kay dating Philippine SuperLiga (PSL) at television host Gretchen Ho.

 

Nakolekta niya ang mga bike sa magdyowang sina 2018 Miss Universe Catriona Gray, actor Sam Milby at ilang organisasyon sa pamamagitan ng kanyang proyektong #DonateABikeSaveAJob.

 

Ipinaskil ng former Petron Blaze Spikers middle blocker-open spiker sa Instagram account niya noong isang araw ang ilan sa mga litratong ipinagkaloob ng makasintahan sa kanya ang mga bike

 

“Our Miss Universe Catriona Gray (@catriona_gray) together with @samuelmilby, and Cornerstone Talents (@cornerstone @visionerickson), Secret Scents (@secretscentsph) and Medigrade Philippines (@medigradeph) donate 50 bicycles to Pasig City residens,” post 30-taong gulang at 5-6 ang taas na  Manilenyang dalaga.

 

“Thank you for supporting the #DonateABikeSaveJob project My @cornerstone family is the best. Salamat sa walang-sawang pagtulong, lalo na sa pandemyang ito! Special mention sa manager kong si @visionerickson na nakunan ako kaagad ng pledge for 250 bikes,” panapos na pahayag ni Ho, nakapamudmod na ng 185 bike. (REC)

Other News
  • Ads June 11, 2022

  • 4 TIMBOG SA DRUG BUY BUST SA CALOOCAN, VALENZUELA

    APAT na hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang online seller ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela Cities.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang Regular […]

  • Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez, pinuri ng Malakanyang

    PINURI ng Malakanyang si Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez para sa pagbibigay kasiyahan sa mga mamamayang Filipino at karangalan sa bansa sa katatapos lamang na 70th Miss Universe competition sa Israel.   Isang miyembro ng armed forces, isang atleta at youth advocate, si Ms. Gomez ay maituturing na “inspiring figure” kung saan ang naging partisipasyon […]