• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3-4 milyon dadagsa sa Manila North Cemetery

INAASAHAN na aabot mula tatlo hanggang apat na milyon bisita ang da­dagsa sa Manila North Cemetery ngayong Undas makaraan ang dalawang taon na pagsasara nito dahil sa pandemya.

 

 

Sinabi ng pamunuan ng sementeryo na ito ay posible dahil sa pagkasabik ng publiko sa mabisita ang mga namayapang kaanak sa mismong araw ng All-Saints Day (November 1) at All Soul’s Day (November 2).

 

 

Sa inilabas na paalala ng Manila local government, simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2 ay hindi papayagang makapasok sa Manila North at Manila South Cemetery ang hindi pa bakunado at mga batang edad 12 pababa.

 

 

“Bago tayo makapasok sa main gate, mayroon na tayong inspection area na nandoon ‘yung ­ating mga kapulisan sila na ‘yung naka-assign para mag-inspect ng vaccine card. At the same time, sila na rin ang magbaban­tay sa gate kung bata po hindi talaga papapasukin, ihohold na sila doon,” ani Roselle Castaneda, officer in charge ng Manila North Cemetery.

 

 

Ayon naman kay MPD spokesperson Police Maj. Philipp Ines, mayroong nasa 700 tauhan ng MPD ang idedeploy sa Oktubre 31. Sa Nobyembre 1 at 2 ay itataas na ito sa 1,500 pulis na magbabantay.

 

 

Paalala rin ng MPD na bawal magdala ng patalim, baril, at ano mang matutulis na bagay. Bawal din ang flammable materials, alak, mga bagay na lumilikha ng malalakas na ingay at bawal ding magsugal.

 

 

Bubuksan ang mga sementeryo sa mga nabanggit na petsa mula alas-5 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

 

 

Bagama’t “open space” ang sementeryo, hinihikayat ng pamunuan na magsuot pa rin ng face mask.  Pagbabawalan pa rin ang mga nagtitinda ng pagkain, bulaklak, at kandila sa loob ng mga sementeryo. (Daris Jose)

Other News
  • League of Provinces umaapela sa IATF na iurong sa Nov. 1 ang pagsisimula ng Alert Level System

    Kung ang League of Provinces of the Philippines ang tatanungin, mas gusto nilang ilipat sa Nobyembre 1 ang expansion ng Alert Level System sa labas ng Metro Manila. – Ayon sa kanilang presidente na si Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. kailangan pa ng mga local governments ng sapat na panahon para bumalangkas ng executive orders, […]

  • PNP maghihigpit sa mga quarantine checkpoints para pigilan ang pagkalat ng Delta variant ng Covid-19 – Eleazar

    Ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng pulis na striktong ipagpatuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng mga protocol na inilatag ng national government bilang tugon sa nagpapatuloy na banta ng COVID 19.     Ito’y kasunod ng babala ng Department of Health sa publiko tungkol sa COVID 19 Delta variant na laganap […]

  • PBBM, naiintindihan ang pagkalas ni Sara sa Lakas-CMD

    NAIINTINDIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging desisyon ni Vice President Sara Duterte na kumalaas at magbitiw bilang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) party.     Magkagayon man, sinabi ng Pangulo na hindi dapat magambala o magulo si Duterte mula sa mas mahahalagang tungkulin nito.     Tinuran ni Pangulong Marcos na dapat […]