• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gunman na pumatay sa radio commentator na si Percy Lapid, sumuko

SUMUKO  na ang gunman sa pumatay diumano sa radio commentator na si Percy Lapid (Percival Mabasa), na siyang ngumuso rin sa tatlo pang suspek habang isinisiwalat na tumanggap siya ng utos mula sa loob ng Bilibid.

 

 

Martes nang iharap ni Interior Secretary Benhur Abalos ang suspek na si Joel Salve Estorial, na sumuko dahil sa “takot sa seguridad” nang ilabas ng Philippine National Police at Department of the Interior and Local Government ang kanyang larawan.

 

 

“P550,000 po [ang ibinayad para sa pagpatay]… Sa lahat na po,” paglalahad ni Estorial kanina.

 

 

“Bale kasama po ‘yung sa loob, bale anim [kami naghati-hati]… Opo, ihinulog po sa bank account ko po, sa BDO… Hinati-hati namin po, [P140,000] po sir [ang akin].”

 

 

Itinuro rin ni Estorial, 39-anyos at tubong Leyte, ang tatlo pa sa kanyang mga kasamahan sa krimen:

 

“Orly Orlando”

 

Edmon Adao Dimaculangan (30-anyos)

 

Israel Adao Dimaculangan (35-anyos)

 

 

Oktubre lang nang noong nakaraang linggo nang umabot sa P6.5 milyon ang pabuya para sa mga magbibigay ng impormasyon para sa ikahuhuli ng salarin sa likod ng pagpatay kay Lapid, na kilalang komentaristang kritiko ng administrasyon nila Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Matatandaang ika-3 ng Oktubre nang pagbabarilin si Lapid ng mga diumano’y nakasakay sa motorsiklo sa  Aria St., Brgy. Talon Dos sa Las Piñas.

 

 

Gumawa ng ingay ang pagpatay kay Lapid, na siyang ikalawang media killing na sa ilalim ng administrasyon ni Marcos Jr.

 

 

Kamakailan lang nang maging kontrobersyal ang pagbisita ng ilang nagpakilalang miyembro ng PNP sa bahay ng GMA reporter na si JP Soriano, na siyang “tumitingin” daw kung may mga banta sa mamamahayag matapos mapatay si Lapid. Nais paimbestigahan na ng Makabayan bloc ang nangyari.

 

 

Dinepensahan naman ng National Capital Region Police Office ang ikinakabahalang surprise visit sa mga journalists habang nakasibilyan, bagay na ginawa lang daw nila para maging “discreet.” (Daris Jose)

Other News
  • 3 anggulo, sinisilip sa Laguna chopper crash

    SINISILIP ng Philippine National Police ang nasa tatlong anggulo sa nangyaring pagbagsak ng helicopter na sinakyan ng hepe ng kapulisan kasama ang 7 iba pa, ayon sa nangunguna sa imbestigasyon.   Huwebes, Marso 5, nang gulantangin ang lahat matapos na bumagsak ang Bell 429 chopper sakay si Philippine National Police chief Gen. Archie Gamboa matapos […]

  • Binalangkas na IRR ng Anti Terror Law, tapos na – DoJ

    Nasa tanggapan na ng Department of Justice (DoJ) ang binalangkas na implementing rules and regulation (IRR) ng Anti Terrorism Law na kaagad isailalim sa evaluation.   Ayon kay DoJ Sec. Menardo Guevarra, natanggap niya kahapon ang unang binalangkas na IRR ng RA 11479 o Anti Terrorism Law of 2020.   Ayon sa kalihim, kung kinakailangan […]

  • Nicolas Cage says he is never going to retire from acting

    ONE of the most recognized actors of his time, Nicolas Cage’s formidable career has spanned three decades with roles in iconic films, including Adaptation, National Treasure, Face/Off, and Leaving Las Vegas – the film that snagged him an Oscar win.     Noted for his eccentric personality, Cage has developed a reputation for his extreme method acting. Occasions of Cage plunging into […]