Resolusyon sa pagpapaliban ng implementasyon sa cashless toll payment hanggang Enero 1, 2021, pinagtibay ng komite
- Published on November 28, 2020
- by @peoplesbalita
Pinagtibay sa isang online na pagdinig ng House Committee on Transportation ang House Resolution 1367 na humihiling Department of Transportation (DOTr) na pansamantalang ipagpaliban ang implementasyon ng cashless toll payments sa pamamagitan ng Radio Frequency Identification (RFID) System hanggang Enero 1, 2021.
Inihain ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo ang resolusyon matapos na isulong ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang huling araw para simulan ang pagpapairal ng cashless collection sa mga tollways mula Nobyembre 2 hanggang sa Disyembre 1 dahil sa mga panawagan ng mga motorista na hindi pa nakakapagpakabit ng RFID stickers sa kanilang mga sasakyan.
Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Hipolito-Castelo na naniniwala siya na maigsi na lamang ang panahon bago ang Disyembre 1.
Ipinunto niya ang mahirap na pagpapakabit ng RFID online at on-site.
Sinabi rin ng mambabatas na may pagkakataon na nagkakaproblema rin at nagkakaroon ng technical glitches dahil may mga sensor na hindi nababasa ang RFID.
Iminungkahi ni Bulacan Rep. Gavini “Apol” Pancho na gamitin ang pinalawig na panahon mula Disyembre 1 upang magsagawa ng edukasyon at impormasyon sa mga motorista hinggil sa RFID.
“Yung pag-extend po natin ng deadline ay isabay po natin yung proper education of commuters para matulungan po sila, to include information on loading,” anang mambabatas.
Napansin ni Pancho na ilan sa mga toll payments sa RFID ay tinatanggihan. “Sira po yung system o nag-load sila (pero) di nag-antay ng tamang oras para ma activate yung load. There should be massive information of the Do’s and Don’ts of RFID. Mga gamit sa harap ng dashboard, nablo-block or deflect yung RFID sticker,” aniya. (ARA ROMERO)
-
Chiz sa LTO: Tukuyin may-ari ng SUV na may plate number 7
PINALALANTAD ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang may-ari at driver ng sports utility vehicle na may plate number 7 na pumasok sa exclusive bus lane at tinangka pang managasa ng isang babaeng traffic enforcer. Kinalampag din ni Escudero ang Land Transportation Office (LTO) para matukoy ang may-ari at gumagamit ng sasakyan. “I […]
-
OFFICIAL TRAILER FOR RIDLEY SCOTT’S NEW ACTION EPIC “NAPOLEON’ RELEASED
He came from nothing. He conquered everything. From acclaimed director Ridley Scott and starring Oscar®-winner Joaquin Phoenix, Napoleon is coming soon to cinemas. Watch the action epic’s official trailer now. YouTube: https://youtu.be/s021DC4_Rcc About Napoleon Napoleon is a spectacle-filled action epic that details the checkered rise and fall of the iconic French Emperor Napoleon Bonaparte, played by Oscar®-winner Joaquin Phoenix. Against […]
-
Patay sa pagsabog sa Lebanon higit 70 na, halos 4,000 sugatan
Nasa 78 katao na ang patay at mahigit 3,000 katao ang nasugatan sa malakas na pagsabog sa Beirut port sa Lebanon. Sinabi ni Health Minister Hamad Hassan, agad na dinala sa iba’t ibang pagamutan ang mga biktima. Nagpakalat na rin sila ng mga rescuers sa lugar para iligtas ang mga naipit sa pagsabog. […]