• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Murder inihain vs 4 katao sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid

HAHARAP  na sa reklamong murder si Joel Estorial at tatlo pang suspek para sa pagkamatay ng ng radio commentator na si Percy Lapid (Parcival Mabasa), ito matapos umamin sa krimen ang nauna.

 

 

Martes nang iharap sa media ng pulisiya ang sumukong si Estorial habang itinuturo sina “Orly Orlando,” Edmon Adao Dimaculangan at Israel Adao Dimaculangan na binayaran diumano ng P550,000 para itumba si Lapid. Pare-parehong “at large” pa sina Orlando at ang magkapatid na Dimaculangan.

 

 

Makikitang hawak-hawak ni Roy Mabasa, kapatid ni Percy, ang reklamo para sa paglabag sa Article 248 ng Revised Penal Code (Murder).

 

 

Una nang sinabi ni Estorial na natakot siya at nakonsensya sa kasalanan niya, habang galing daw sa loob ng Bilibid ang utos na ipapatay si Lapid.

 

 

Tiniyak naman ni Interior Secretary Benhur Abalos na totoong gunman si Estorial at hindi basta iprinesenta lang bilang “fall guy” lalo na’t nag-match ang slug, ballistics atbp. sa imbestigasyon ng mga pulis. Sa kabila nito, marami pa ring duda.

 

 

“This is great police work. Binacktrack po ‘yan, tinyaga po ‘yan ng ating kapulisiyahan,” ani Abalos.

 

 

Una nang inilagay sa P6.5 milyon ang pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikakukulong ng mga suspects ng krimen.

 

 

Kilala ang biktima bilang kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte, at sinasbaing ikalawang media man na pinatay sa ilalim ng panunungkulan ni Marcos Jr.

 

 

Umani ng malaking pagkundena ang karumaldumal na pagpatay kay Lapid sa Las Piñas ngayong buwan, dahilan para magmobilisa ang National Union of Journalists of the Philippines at magsalita ang sari-saring political figures.

(Daris Jose)

Other News
  • Pagdeklara kay PATAFA Prexy Philip Juico na persona non grata,’null & void’ at wala sa POC jurisdiction -PATAFA chairman

    Tiniyak na Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na hindi nila palalagpasin ang ginawang hakbang ng Philippine Olympics Committee kung saan kinatigan ang umano’y ‘harassment case’ na idinulog ni Olympian pole vaulter EJ Obiena laban sa kanilang presidente na si Philip Juico.     Ito’y mayroong kaugnayan sa POC ethics committee investigation findings na […]

  • Final 12 ng Gilas Pilipinas players iaanunsiyo ngayong araw ng SBP bago ang biyahe nila sa Lebanon

    NAKATAKDANG  bumiyahe na ngayong araw ang Gilas Pilipinas patungong Beirut, Lebanon para sa pagsabak sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.     Makakaharap kasi nila ang Lebanon sa Agosto 25 habang babalik sila sa bansa 29 para makaharap ang Saudi Arabia.     Sa ginawang ensayo ng national basketball team nitong Linggo […]

  • PDu30, bumoto na sa kanyang hometown sa Davao City

    BUMOTO na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa national at local elections mula sa kanyang hometown sa Davao City.     Bumoto si Pangulong Duterte sa Daniel R. Aguinaldo National High School, Precinct 1245-A, ng alas- 4:45 ng hapon.     Nananatili naman ang posisyon ng Pangulo na hindi mag-endorso ng kahit na sinumang […]