Bucor Director Bantag, suspendido
- Published on October 22, 2022
- by @peoplesbalita
SUSPENDIDO si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag matapos ang pagkamatay ng umano’y middleman sa pamamaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin si Bantag sa kanilang naging miting, araw ng Huwebes.
“I went to the President to tell him about this… he asked me to preventively suspend Undersecretary, Director General Bantag of BuCor, so that there may be a fair [and] impartial investigation on the matter,” ayon kay Remulla.
Wika pa ni Remulla, itinalaga niya si dating Armed Forces chief of staff Gregorio Catapang Jr. bilang officer-in-charge ng Bucor.
Sa kabilang dako, siniguro naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos na may mananagot kung mapapatunayang may foul play sa pagkamatay ng umano’y middleman sa pamamaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid.
Ani Abalos, nakakapanghinayang dahil pinaghirapan ng mga pulis ang kaso pero namatay ang itinuturong middleman sa kaso.
Nauna rito, kinumpirma ni Justice Sec. Crispin Remulla na patay na ang middleman sa pagpatay kay Lapid.
Batay pa sa paunang impormasyon, nahirapan umano itong makahinga at idineklarang dead on arrival sa New Bilibid Prison hospital.
Samantala, sinabi pa ni Abalos na nagpapatuloy ang otopsiya sa mga labi nito upang matukoy kung ano ang tunay na dahilan sa pagkamatay ng naturang middleman.
Pagtitiyak pa ng kalihim na walang magiging epekto sa Percy Lapid case ang pagkamatay ng sinasabing middleman na nasa loob ng Bilibid dahil nagti-triple kayod na ang kapulisan upang matukoy kung sino talaga ang mastermind o utak sa pamamaslang sa mamamahayag na si Lapid. (Daris Jose)
-
Kaso ng mpox sa bansa nasa 15 na – DOH
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa 15 ang kaso ng mpox sa bansa. Sa nasabing bilang ay 11 dito ay mula sa National Capital Region, tatlo sa Calabarzon at isa sa Cagayan Valley. Karamihan sa mga pasyente ay lalaki at iisa lamang ang babae kung saan hindi na binanggit pa ng […]
-
US, nangako ng mahigit na ₱430M funding para sa PH maritime law enforcement agencies
INANUNSYO ng Estados Unidos na tutulong ito para palakasin ang kakayahan ng Philippine maritime law enforcement agencies sa pamamagitan ng pagbibigay ng $7.5 million, o mahigit ₱430 milyong halaga ng karagdagang tulong. Inihayag ito ng White House sa kahalintulad na araw ng pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan, ang lalawigan […]
-
Senador Koko Pimentel, walang bilang sa partido
NANANATILING chairman ng ruling Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Kaagad na nagpalabas ng kalatas si PDP-Laban secretary-general Melvin Matibag matapos na iboto ng paksyon na pinangungunahan ni Senador Manny Pacquiao si elected Senator Aquilino “Koko” Pimentel III bilang party chair, sinasabing para palitan si Pangulong Duterte. Inilarawan […]