Problema sa industriya ng asukal, patuloy na pinaplantsa – PBBM
- Published on October 25, 2022
- by @peoplesbalita
PATULOY na pinaplantsa ng pamahalaan ang problema sa industriya ng asukal.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang pangunahan nito ang pamamahagi ng government assistance sa Talisay city sa Negros Occidental.
Sinabi ng Punong Ehekutibo, may kailangan pang ayusin na problema sa sugar industry na lubha aniyang napabayaan ng ilang taon.
“Bukod pa dun ang ginagawa namin eh inaayos natin halimbawa dito ang problema ay sa industriya ng asukal, marami tayong kailangan ayusin na problema dahil napabayaan sa nakaraang ilang taon kayat dahan dahan maibabalik natin,” ayon sa Pangulo.
Magkagayon man, positibo ang Chief Executive na maibabalik din ang dating estado ng sugar industry kahit paunti- unti.
Giit ng Pangulo, patuloy nilang ttitiyakin na sapat ang natatanggap na pagkain ng taong bayan hindi lamang asukal kundi pati na lahat ng produktong pang- agrikultura sa gitna na rin Ng target nitong mapatatag ang food supply sa mamamayan.
“Sa ngayon tinitiyak lang natin na sapat ang dumadating sa taong bayan hindi lamang asukal pati na ang lahat ng produktong agrikultura para naman kahit papaano ay masasabi natin na may sapat na food supply na kayang bayaran ng ating mamamayan,” ang wika ng Pangulo. (Daris Jose)
-
DA, nanawagan sa mga lokal na opisyal ng Luzon na makipagtulungan sa gobyerno para sa paghahatid ng suplay ng pagkain sa NCR
NANAWAGAN ang Department of Agriculture sa lahat ng mga provincial chief executives at sa mga municipal mayors sa luzon na mangyaring makipagtulungan sa gobyerno upang hindi maantala ang paghahatid ng suplay ng pagkain sa National Capital Region at mga karatig- lalawigan na muling isinailalim sa modified enhanced community quarantine (mecq). Nakarating kasi kay Agriculture Sec. […]
-
BARBIE, itinuturing na ‘lucky charm’ ang boyfriend na si JAK
NAGPASALAMAT si Kapuso actress Barbie Forteza sa kanyang boyfriend na si Jak Roberto na itinuturing niyang lucky charm ang actor. Sa interview ni Barbie sa 24 Oras, inihayag niyang simula nang maging sila ni Jak three years ago, nagkasunud-sunod na raw ang kanyang mga projects. “Tulad po ngayon na magtatapos pa […]
-
Pagpapatupad ng bagong alert level system sa mga probinsiya, may konsultasyon- Sec. Roque
KINUMPIRMA ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kinunsulta ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang lahat ng rehiyon at probinsya bago pa ikinasa ang bagong alert level system sa ilang piling lugar sa bansa. Umapela kasi ang League of Provinces in the Philippines sa IATF na ipagpaliban ang implementasyon ng alert level system sa […]