• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa pagdiriwang ng ‘National Children’s Month’: Sen. IMEE, tatalakayin ang iba’t-ibang isyu kasama ang mga kabataan

SISIMULAN ni Senator Imee Marcos ang kanyang birthday month sa isang espesyal na vlog entry na ipinagdiriwang ang ‘National Children’s Month’ ngayong Nobyembre

 

Ipalalabas ito sa kanyang official YouTube channel ngayong Sabado, Nobyembre 5 at makakasama ng senadora
ang isang grupo ng mga kabataan sa isang intimate at masayang bonding session na talaga namang very refreshing at heartwarming.

 

Mapapanood sa vlog ang chikahan ni Sen. Imee kasama ang mga bata kung saan tinanong niya ang mga ito ng kanilang pananaw ukol sa mga paksa ng hunger, edukasyon, bullying, at gadgets.

 

Tiyak na matutuwa ang mga solid Imeenatics, na todo ang suporta sa Senadora mula ng nagbalik ito sa pag-vlog
nuong Enero.

 

Talagang maaaliw sila sa mga nakaloloka, nakatutuwa, at minsan very enlightening na sagot ng mga bata sa iba’t-ibang issue na mahalaga sa kanya bilang Senadora at ina.

 

Ano ang kanilang pananaw ukol sa eskuwela? Tungkol sa gutom? Mahalaga ba talaga ang mga gadgets sa kanilang
mga buhay? Ano ang opinion ng mga murang nilang isip sa bullying?

 

Aalamin ang mga sagot at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Imbestigasyon sa UST tinatapos pa

    INAAYOS na lang ng University of Santo Tomas ang imbestigasyon sa ‘bubble training’ ng Growling Tigers men’s basketball team sa Sorsogon at inaasahang nakatakdang mapasakamay ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) simula nitong Huwebes.   Nagdaos ng online meeting sa nitong Miyerkoles ang Inter-Agency Task Force (IATF) panel nina Philippine Sports Commission-Philippine Sports […]

  • Panlaban sa init, Valenzuela naglagay ng mobile showers

    DAHIL sa sobrang init na nararanasan sa lungsod at kakulangan ng tubig sa ilang lugar, naglagay ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ng dalawang mobile shower, sa ilalim ng kanyang “pWEStong Presko: Libreng Shower Ngayong Tag-init,” upang makatulong na makayanan ang kasalukuyang sitwasyon.     Ngayong taon, sunud-sunod na umabot […]

  • 4 na oras sa burol, 4 na oras sa libing ni baby River ibinigay ng korte kay Nasino

    WALONG oras ang ibinigay ng Manila Regional Trial Court ,Branch 47, sa aktibistang si Reina Mae Nasino para masilip at makapiling ang kanyang nasawing anak sa burol nito at sa nakatakdang libing sa Manila North Cemetery sa Oktubre 16,2020 sa Maynila.   Sa dalawang pahinang order ni Manila RTC,Br.47 Presiding Judge Paulino Gallejos, si Nasino […]