BAGONG REGIONAL DIRECTOR NG DOH-CALABARZON, PINANGALANAN NA
- Published on December 2, 2020
- by @peoplesbalita
MAY bago nang itinalagang Regional Director ng DOH-CALABARZON (Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon ) sa katauhan ni Dr Paula Paz M. Sydiongco.
Si Sydiongco ay itinalaga ni DOH Secretary Francsico T. Duque bilang bagong Officer-in-charge ng Regional Office, CALABARZON bilang kapalit ni RD Eduardo C. Janairo na nagretiro nitong November 20, 2020 sa edad na 65.
Si Syndiongco ay kasalukuyang Assistant Regional Director ng DOH-CALABARZON kung saan sa ilalim ng Department Personnel Order No. 2020-2683, gagampanan niya ang resposibilidad bilang Regional Director at tatanggap ng kaukulang benepisyo at pribelihiyo.
Sinabi ni Sydiongco na tubong Tacloban City at may 33 taon na sa serbisyo sa health department na ipagpapatuloy nito ang mga programa at mga sistema na inumipsahan ni Janairo.
“I will continue the health innovations and development programs to improved health policies and systems started by Director Janairo and ensure that health services will improve people’s health, focusing on the needs of vulnerable populations,” she stated.
Nakamit ni Sydiongco ang kanyang medical degree sa Cebu Doctor’s College of Medicine noong 1980. Nag-Masters ng Public Health sa University of the Philippines – College of Public Medicine noong 1990 at Masters in Business Administration sa Development Foundation College noong 2019.
Kabilang sa mga posiyon na hinawakan niya ay Medical Parasitologist, Rural Health Physician, District Medical Officer, Provincial DOH Representative, Division Chief at kasalukuyang Director III. (GENE ADSUARA)
-
Jeep at iba pang pampublikong sasakyan, payagan nang bumiyahe
Hinikayat ng grupong Gabriela ang gobyernong Duterte na payagan na ang mga jeep, bus at iba pang mass transport services na makabiyahe ngayong nasa ilalim na ng general community quarantine (GQC) ang Metro Manila at ilan pang karatig na lugar sa bansa. “Malinaw ngayong unang araw ng GCQ ang parusang dulot sa komyuter at drayber […]
-
Indibidwal o pamilyang nakatira sa ECQ, makatatanggap ng cash aid mula sa gobyerno
IBINALITA ng Malakanyang na may matatangap na cash aid ang mga mamamayang nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ). Sinabi ni Sec. Roque na may matatanggap na P1,000 hanggang P4,000 na cash aid ang ibibigay kada pamilya sa lugar na nasa ilalim ng ECQ gaya ng Iloilo province, Iloilo […]
-
Joel Embiid nagpakita ng MVP caliber na performance
SINAPAWAN ni Joel Embiid si Nikola Jokic sa tapatan ng MVP candidates sa Philadelphia nitong Sabado. Nagtistis si Embiid ng 47 points, 18 rebounds para ihatid ang 76ers sa 126-119 panalo laban sa Denver Nuggets sa Wells Fargo Center. Sa huling dalawang seasons, 1-2 sina Jokic at Embiid sa botohan para sa MVP. […]