• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, gobyerno “on track” sa pagsusulong ng key railway projects; determinadong resolbahin ang matindin problema sa trapiko

DETERMINADO ang gobyerno ng Pilipinas na isulong ang “key railway projects” para tugunan ang “terrible stories” hinggil sa kakulangan ng quality time para sa maraming Filipino bunsod ng traffic congestion. 
Ipinahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa  isinagawang paglagda sa  Metro Manila Subway Project (MMSP) Contract Packages 102 at 103 sa Palasyo ng Malakanyang.
Sinabi ng Punong Ehekutibo na nakikita nito na may magagawa ang proyekto na mabawasan ang “terrible stories” na naririnig niya mula sa mga taong late na kung makauwi ng bahay dahil sa matinding trapiko.
“We will reduce the terrible stories that we hear of people who no longer see their children because they come home at 1:30 in the morning and the children are asleep,” wika ni Pangulong Marcos.
“They have to wake up at four o’clock in the morning to get back on the bus to fight with the traffic coming back to work. And that the subway and all our public transport systems will be able to help and to remedy,” aniya pa rin.
Isinusulong din aniya ng kanyang administrasyon ang  iba pang  “key railway projects” gaya ng  Metro Rail Transit (MRT)-7, Light Rail Transit (LRT) -1 Cavite Extension, at Philippine National Railway (PNR) Clark Phases 1 at 2, upang ang  rail transit system  ng bansa ay maging “more viable option” para sa mga Filipino commuters.
“We owe it to the Filipino people to build major roads and critical infrastructure that will not only spur progress and social change but also promote interconnectivity, ease traffic, and reduce their travel time,” lahad pa ng Punong Ehekutibo.
Kumpiyansang inihayag naman ng Pangulo na “the country can move full speed ahead towards building better and more infrastructure projects for the Filipino people.”
Inimbitahan naman ni Pangulong Marcos  ang mga ito na maayos na makipagtulungan sa gobyerno tungo sa “shared goal of an efficient public transportation system that enhances people’s mobility, improves interconnectivity, and spurs equitable development.”
“Let me assure you that the government remains dedicated to maximizing its resources to pursue even more ambitious endeavors that will bring comfort and progress to Filipinos all over the country,” aniya pa rin.
Sa oras aniya na makompleto na, inaasahan na sa pamamagitan ng MMSP ay mababawasan ang travel time sa pagitan ng Quezon City at Pasay City mula sa isang oras at kalahating minuto ay magiging 35 minuto at sinasabing mapakikinabangan ng mahigit kalahating milyong pasahero kada araw mula  Valenzuela City hanggang Parañaque City.
Nakikita rin na makalilikha ito ng milyong trabaho at oportunidad para sa mga  Filipino.  (Daris Jose)
Other News
  • Nag-short vacation sa South Korea kasama ang pamilya: SHARON, hirap na hirap pa rin na maka-move on sa pagpanaw ni CHERIE

    HIRAP na hirap pa rin na maka-move on si Megastar Sharon Cuneta sa pagkawala ng isa sa pinakamalapit na kaibigan na si Cherie Gil.   Mahigit na dalawang linggo na ang nakalilipas, pero pakiramdaman niya ay kamamatay lang kaibigan.   Kaya naman marami ang natuwa at napa-sana all pa ang iba sa IG post niya […]

  • Bagong layang tulak, balik selda

    BALIK kulungan ang isang drug pusher na dati nang naaresto dahil din sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos muling masakote sa isinawang buy- bust operation ng mga pulis sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si William Tutor, 43, […]

  • Apela sa publiko, huwag paniwalaan ang oposisyon

    NIRESBAKAN at muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte ang oposisyon na aniya’y nag-aambisyong makabalik.   Kaya ang panawagan ng Pangulo sa publiko ay huwag paniwalaan ang oposisyon na wala namang ginagawa kundi ang mamulitika.   “The things that you would know, huwag kayong maniwala diyan sa oposisyon. Walang ginawa ‘yan, gusto lang ‘yang bumalik. […]