Bagong layang tulak, balik selda
- Published on September 25, 2020
- by @peoplesbalita
BALIK kulungan ang isang drug pusher na dati nang naaresto dahil din sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos muling masakote sa isinawang buy- bust operation ng mga pulis sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si William Tutor, 43, (watchlisted) ng 164 J. Ramos St. Brgy. 7, ng lungsod.
Ayon kay DSOU chief PLTCOL Giovanni Hycenth Caliao I, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) hinggil sa pagbebenta umano ng suspek ng illegal na droga kaya’t nagsagawa ang mga ito ng buy- bust operation sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan Jr. kontra kay Tutor sa kanyang bahay alas-7 ng gabi.
Isang undercover pulis na nagpanggap na poseur-buyer ang nagawang makapagtransaksyon sa suspek ng P12,000 halaga ng shabu at nang tanggapin ni Tutor ang marked money kapalit ng droga ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.
Nakumpiska sa suspek ang aabot sa 60 gramo ng shabu na may standard drug price P408,000 ang halaga, buy-bust money na kinabibilangan ng 1pc tunay na P1,000 at 11 pcs P1,000 boodle money, digital weighing scale at cellphone.
Ani P/Capt. Aquiatan Tutor ay dati nang naaresto ng mga awtoridad dahil din sa pagbebenta ng illegal na droga noong Marso 6, 2015 at nakalabas ito nitong nakaraang February 27, 2020. (Richard Mesa)
-
80% ng target population sa NCR, bakunado na – DILG
Iniulat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nasa halos 80% na ng target population sa National Capital Region (NCR) at 18% hanggang 30% naman sa mga lalawigan, ang fully vaccinated na laban sa COVID-19. Aminado naman si Año na malayo pa ito sa kanilang target at […]
-
Mag-asawa, 3 pa binitbit sa P272K shabu sa Valenzuela
TINATAYANG abot P272,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa limang drug suspects, kabilang ang isang mag-asawa matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City. Ayon kay Valenzuela police chief Col. Salvadro Destura Jr, dakong alas-7:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit […]
-
LGUs, magdo-double time sa vax drives: Año
MAS paiigtingin at dodoblehin ng local government units (LGUs) ang kanilang pagsisikap para sa gagawing paghahanda para sa three-day national inoculation program mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1. Sa katunayan ani Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, tatanggap ang LGUs ng mga walk-in applicants. Tinukoy nito ang nasa […]