Semis berth nasikwat ng Cool Smashers
- Published on November 7, 2022
- by @peoplesbalita
DALAWANG sunod na puntos ang pinakawalan ni middle blocker Ced Domingo sa huling sandali ng laro upang buhatin ang Creamline sa 25-23, 20-25, 25-12, 32-30 pukpukang panalo laban sa Chery Tiggo sa Premier Volleyball League Reinforced Conference kahapon sa Sta. Rosa Sports Complex sa Laguna.
Napanatili ng Cool Smashers ang rekord nito para masolo ang liderato tangan ang malinis na 5-0.
Maliban dito, nasikwat ng Creamline ang ikalawang tiket sa semifinals.
Nadungisan ang rekord ng Crossovers na nahulog sa ikalawang puwesto bitbit ang 5-1 marka.
Sa unang laro, malakas ang Petro Gazz sa huling sandali ng labanan upang pigilan ang PLDT Home Fibr, 19-25, 25-21, 25-20, 27-25, para makalapit sa Final Four slot.
Balanseng atake ang inilatag ng Gazz Angels kung saan apat na players nito ang nagrehistro ng double digits para buhatin ang kanilang tropa sa ikatlong panalo.
Ramdam na ramdam ang presensiya ni import Lindsey Vander Weide na nagbaon ng 24 puntos, walong digs at anim na receptions para sa Gazz Angels.
Umariba pa si MJ Phillips ng 13 makers tampok ang apat na blocks habang gumawa naman si Myla Pablo ng 12 hits at nakakuha si Jonah Sabete ng 10 points para suportahan si Vander Weide.
Lumakas ang tsansa ng Gazz Angels sa semis tangan ang 3-1 marka.
“Alam naman nila kung gaano ka-importante yung laro sa amin. Saka ni-remind namin lagi sila na mag-focus sa kung anong nangyayari. Kailangan nakatutok talaga kami sa instructions at makuha namin yung panalo. Gusto talaga nila,” ani Petro Gazz coach Rald Ricafort.
-
Kagyat na tugunan ang terorismo, cybercrime
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong hinirang na Philippine National Police (PNP) chief Major General Rommel Francisco Marbil na tulungan ang gobyerno na tugunan ang mga sumusulpot na banta sa kapayapaan at kaayusan sa bansa. Sa isang seremonya para sa PNP change of command na idinaos sa Camp Crame, Quezon City, […]
-
Jazz naitala ang 2nd straight victory nang talunin ang Spurs
Nanguna sa opensa ng Utah Jazz sina Bojan Bogdanovic na may 25 points at si Rudy Gobert na nagdagdag ng 24 points at 15 rebounds upang idispatsa ang San Antonio Spurs, 110-99. Hindi rin naman nagpahuli si Fil Am player Jordan Clarkson na nag-ambag ng 16 points. Ito na ang ikalawang […]
-
Movies na kasama sina Sharon at Coco, malabo pa: Sen. BONG, sisimulan na ang ‘Alyas Pogi 4’ at planong isali sa MMFF
NAGKAROON kami ng pagkakataon na makausap at magpasalamat na rin sa aktor at politician na si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. Pinasyalan namin ang aktor, producer, politician sa kanyang opisina sa senado kasama ang mga opisyales ng Philippine Movie Press Club. Siyempre pinasalamatan agad namin si Sen. Bong sa dahil sa maagang pagpaşa at pirmado […]