• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

UN chief sa mga world leaders: Mamili sa climate ‘solidarity’ o ‘collective suicide

SINABI ni UN chief Antonio Guterres  na ang sangkatauhan ay nakikipaglaban sa kanilang buhay habang pinaiigting ng climate change ang tag-tuyot,  pagbaha at heatwaves.

 

 

Inihayag ni Guterres sa isinagawang Egypt on curbing global warming na ang international community ay nahaharap sa tinatawag na  “stark choice” sa gitna ng international crises na bumubugbog sa ekonomiya at pag-uga sa international relations— mula  COVID-19 pandemic at pagsalakay ng Russia sa Ukraine hanggang weather extremes.

 

 

“Cooperate or perish,” ang sinabi ni Gutteres sa mga lider na dumalo sa  UN COP27 summit  sa Red Sea resort ng  Sharm el-Sheik sabay sabing  “It is either a Climate Solidarity Pact, or a Collective Suicide Pact.”

 

 

Nanawagan naman si Guterres  ng tinatawag na “historic” deal sa pagitan ng mga mayayamang bansa at umuusbong na ekonomiya  na naglalayong bawasan ang emisyon at panatilihin na mataas ang temperatura  sa ” more ambitious Paris Agreement target of 1.5 degrees Celsius above the pre-industrial era.”

 

 

Aniya, ang target ay dapat na renewable at affordable energy para sa lahat, panawagan sa mga  top emitters, partikular na ang Estados Unidos at  China, na paigtingin pa ang kanilang mga pagsisikap.

 

 

Sa kasalukuyang trajectory, sinabi ni Guterres na “we are on a highway to climate hell with our foot still on the accelerator.”

 

 

“At around 1.2°C of warming so far, impacts are already accelerating on all fronts,” aniya pa rin.

 

 

“Major droughts in the Horn of Africa have pushed millions to the edge of starvation, deadly floods in Pakistan swamped farmland and destroyed infrastructure, causing more than $30 billion in damage and losses according to the World Bank,” ayon sa ulat. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • PUNONG BARANGAY, PUWEDENG MAGDEKLARA NG LOCKDOWN

    BINIGYAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang kapangyarihan ng mga Punong Barangay sa lungsod na magdeklara ng “lockdown” sa kani-kanilang nasasakupang lugar sakaling tumaas ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19.       Sa ilalim ng Executive Order No. 12 na nilagdaan ni Domagoso, maaaring magdeklara ng lockdown sa kanilang lugar ang isang Punong […]

  • Namataang Chinese militia vessels sa Julian Felipe Reef hindi magiging dahilan na maulit ang 2012 Scarborough Shoal standoff- Sec. Roque

    KUMBINSIDO ang Malakanyang na ang di umano’y naispatan na Chinese militia vessels sa Julian Felipe Reef (Union Reefs) sa West Philippine Sea ay hindi magiging dahilan para maulit ang 2012 Scarborough Shoal (Bajo de Masinloc o Panatag) standoff.   Higit 200 Chinese maritime militia vessels kasi ang natuklasang namamalaot sa isang bahagi ng West Philippine […]

  • Bulacan, makikiisa sa pagdiriwang ng Pride Month kasama ang LGBT Community

    LUNGSOD NG MALOLOS– Ipagdiriwang ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender (LGBT) Community-Bulacan Federation sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at pakikiisa ng PNP-Bulacan ang taunang LGBT Pride Month mula Hunyo 17 hanggang Hulyo 22, 2021 bilang pagkilala sa positibong impluwensya ng mga LGBT sa mundo.     Tinawag na ‘Lakbay Kumustahan: The LGBT Bulacan Hello […]