Willie, ibinalita na tutuparin ang mga Christmas wish
- Published on December 2, 2020
- by @peoplesbalita
NAG-POST sa kanilang social media accounts ang Concha’s Garden Cafe, Quezon City ni Alden Richards, last Sunday evening, November29, ng pasasalamat sa kanilang mga customers na tinangkilik ang dine-in restaurants nila ng ilang taon.
“Thank you for enjoying our food until December 31, 2020.” (Till we eat again Q.C)
Most affected ng pandemic ang mga dine-in restaurants dahil sa mga requirements ng IATF, kaya tama lamang na mag- desisyon si Alden na isara na muna ang branch niya sa Quezon City.
Pero open pa rin ang Concha’s Garden Cafe Cliffhouse Tagaytay, Concha’s Garde Cafe, Silang, Cavite, sa Tagaytay Highlands, at sa Midlands Golfers Lounge in Tagaytay.
*****
MAGIGING Santa Claus si Wowowin host Willie Revillame this Chritstmas.
Ibinalita na ito ni Willie sa kanyang programa na tutuparin niya ang mga Christmas wish ng sinumang matatawagan niya sa telepono sa “Tutok To Win,” upang maipadama raw niya sa ating kababayan ang diwa ng Pasko.
“Magkakaroon tayo dito ng portion, ‘yung ‘Christmas Wish,’ dahil paparating na ang Pasko,” pahayag ni Wllie.
“Tatanungin ko ang makakausap ko kung ano ang wishes niya, baka kaya nating ibigay, di ba? Titingnan ho natin, basta sa abot-kaya po ng programang ito. Iyong mga wishes ninyo sa Pasko, ipagkakaloob namin basta kaya po namin. Iyong hindi po naman sobra tama lang. Basta gagawa tayo ng paraan.”
Kaya naman, huwag nang magpahuli at tumutok kayo lagi sa Wowowin, weekdays, sa GMA- 7, at 5:00 – 6:30 PM at sa verified social media accounts ng programa, bago ang “24 Oras.”
*****
PAYAG pala si Senator Manny Pacquiao na ituloy ng dalawang anak na lalaki nila ni Jinkee, na sina Jimuel at Michael, ang showbiz career nila kaya supportive naman silang mag-asawa sa kanila.
Pero hindi papayagan ng Pambansang Kamao na pasukin nila ang boxing. Oo raw at pinayagan niya si Jimuel na sumali sa amateur boxing competition, para raw ma- experience nito ang mahirap na training at ma-realize na boxing is a tough sport. “It’s a dangerous sport that can get you killed. It can happen and can’t be totally avoided. Ayaw kong maranasan nila iyon.”
Into acting ang gusto ni Jimuel (19) at sa ngayon ay nagwu-workshop siya, si Michael (18) naman is an aspiring rapper at nakapaglabas na ng kanyang first album. Pero ang dalawa ay hindi makaiwas sa bashing ng mga netizens, kaya advice ni Sen. Manny sa kanila, “you can’t please everybody, just be humble and helpful, be responsible, sa sarili ninyo, sa family at sa inyong mga studies.” (NORA V. CALDERON)
-
Nakatakda sa Oct. 7… PBBM, inaprubahan ang P7.9-B para sa immunization drive na Bakuna Eskuwela
INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglalaan ng P7.9 billion para sa national immunization program ng Department of Health’s (DOH). Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na ibinigay ni Pangulong Marcos ang kanyang pagsang-ayon sa isinagawang sectoral meeting kasama ang mga opisyal ng DOH sa pangunguna […]
-
Iba’t ibang pigura ng mga nasawi at nawawala, naitala dahil sa bagyo… Bagsik ni Ulysess
NAKAPAGTALA ang NDRRMC ng 69 (as of Nov. 16 death toll) na kataong namatay bilang resulta ng pananalasa ng bagyong Ulysses. Bitbit ng bagyong Ulysses ang malakas na hangin at matinding buhos ng ulan na siya namang nagpaalala sa maraming residente ng Luzon ng 2009’s Tropical Storm Ondoy. Sa isang press briefing, nagbigay […]
-
DSWD, nagpaabot ng P26.9-M tulong sa mga flood-hit families sa Mindanao
NAGPAABOT ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mahigit sa P26.9 milyong halaga ng humanitarian aid sa mga pamilya na naapektuhan ng malakas na ulan at pagbaha bunsod ng “shear line at tuloy-tuloy na low-pressure area (LPA) sa ilang bahagi ng Mindanao. Sinabi ni DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications at […]