• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Slaughter gusto nang bumalik sa basketbol

SABIK nang bumalik sa paglalaro si Philippine Basketball Association (PBA) star Gregory William ‘Greg’ Slaughter ng dating Barangay Ginebra San Miguel.

 

Sa Twitter pinarating ng 32-year-old, 7-foot center ng former Gin King, nitong isang araw lang dahil sa panonood ng laro ng Gilas Pilipinas sa 2021 International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup qualifier window 2 sa Manama, Bahrain nitong Biyernes at Lunes.

 

At sa 45th PBA 2020 Philippine Cup Finals bubble ng BGSM at TNT sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga nitong Linggo at malamang abangan niya ngayong Miyerkoles.

 

Pagkakampeon ng Gin Kings sa Governors Cup noong Enero, hindi na pumirma ng panibagong kontrata si Gregzilla sa crowd favorite squad. Nagdesisyong tumalikod muna sa pro league. Dumayo ang Fil-Am ng Estados Unidos, pero kahit inabot ng pandemic ay nakakapapag-ensayo pa rin sa gyms doon para mapanatili ang tikas.

 

Bago nagsimula ang PBA restart sa Pampanga bubble nitong Oktubre 5, nakauwi ng Pilipinas si Slaughter.

 

Nag-ugat ang pagsabog ng gigil niya sa winner-take-all ng Ginebra at Meralco sa best-of-five semifinal noong Biyernes, dagdag pa ang pagkatapos ng decider ng PBA ay may Gilas game pa kontra Thailand sa FIBA Asia Cup kung saan nanalo ang mga Pinoy, 93-61.

 

“Do or die game for Ginebra and FIBA Asia Games for our #TeamPilipinas got me itching to play again so bad!” pagkumpisal ng basketbolista sa social media.

 

Pero hanggang imahinasyon lang muna si Slaughter habang hindi pa rin nakikipag-usap kay Ginebra team manager Alfrancis Chua. (REC)

Other News
  • ABSOLUTE PARDON IPINAGKALOOB KAY PEMBERTON

    NAGPALIWANAG si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang naging desisyon na pagkalooban ng absolute pardon si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.   Ang dahilan ayon sa Pangulo ay hindi kasi binigyan ng patas na pagtrato ng Pilipinas si Pemberton.   Sa kanyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi kasalanan Pemberton kung […]

  • Mga pinauwing Pinoy crew ng Japan cruise, hindi mawawalan ng trabaho: DOLE

    Walang Pinoy crew ng MV Diamond Princess ang mawawalan ng trabaho.   Ito ang tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga pinauwing mga Pinoy mula sa nasabing cruise sa Japan na sasailalim naman sa 14 days quarantine sa New Clark City sa Tarlac. Ayon sa kalihim, agad na ihahanda ang kanilang redeployment sa […]

  • Kelot, tinodas ng riding-in-tandem sa Malabon

    TUMIMBUWANG ang duguang katawan ng 24-anyos na kelot matapos pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo sa Malabon City.     Dead-on-the-spot sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan ang biktimang si Kenneth Lozada, ng Blk 34, Lot 11, Malipoto St., Brgy. NBBS, Navotas City.   Sa report […]