• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagtaas ng pasahe sa MRT-3, hindi maiiwasan – DOTr

HINDI  umano maiiwasan ang pagtataas ng pasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), kahit pa hindi ito maisapribado.

 

 

Ito ang ginawang paglilinaw kahapon ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Cesar Chavez kasunod ng pangamba ng ilan na tataas ang pasahe ng MRT-3 kung matutuloy ang planong isapribado ang operasyon at maintenance nito.

 

 

Ayon kay Chavez, ‘inevitable’ o hindi talaga maiiwasan na magtaas ang pasahe ng MRT-3 kahit ang pamahalaan pa rin ang namamahala dito dahil na rin sa tumataas na singil sa kuryente at halaga ng mga spare parts nito.

 

 

“Even under the go­vernment, kahit sa ngayon, minsan ay hindi maiiwasan ang fare increase not because of private support o private intervention. Sapagkat tumataas ang halaga ng mga piyesa sa buong mundo, tumataas din ang kuryente,” paliwanag pa ni Chavez sa panayam sa radyo.

 

 

“It is not only necessary but inevitable that at a certain point in time, ay kinakailangang itaas ang pamasahe. Ang tanong na lang, magkano ang itataas at ano ang kapalit nito–-magandang serbisyo,” dagdag pa niya.

 

 

Nabatid na ang planong isapribado ang MRT-3 upang mapaganda pang lalo ang serbisyo nito, ay isa sa mga panukalang pinag-aaralan ngayon ng pamahalaan bunsod na rin nang nakatakda nang pagtatapos ng build-lease-transfer contract ng Metro Rail Transit Corporation sa 2025.

 

 

Sinabi naman ni Chavez na ang talaka­yan sa naturang plano ay nasa DOTr level pa lamang at malaunan ay ipagpapatuloy sa National Economic and Development Autho­rity (NEDA). (Daris Jose)

Other News
  • Simbahan, hindi pa kailangan na gamitin para sa vaccination program ng gobyerno

    HINDI pa kailangan na ipagamit ng mga obispo ang kanilang mga Simbahan at pasilidad para sa pagsisimula ng vaccination program ng pamahalaan.   Ang katuwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, kumpleto na ang plano ng Department of Health (DoH) at National Task Force against covid19 para agad na makarating at maibigay sa bawat mamamayan ng […]

  • 2 drug suspects tiklo sa P272K shabu sa Caloocan

    DALAWANG umano’y listed drug personalities, kabilang ang 51-anyos na ginang ang kalaboso matapos makuhanan ng nasa P272,000 halaga ng shabu sa buy bust operation sa Caloocan City.     Kinilala ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang naarestong mga suspek bilang sina Nora Eleazar, 51 at Jayson Villahermosa, 34, […]

  • P11B HALAGA NG ILLEGAL NA DROGA, SINIRA NG NBI

    SINIRA ng gobyerno ang P11 bilyong halaga ng illegal na droga na nasabat ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Marso 15, 2022 sa Infanta, Quezon.     Sinabi ni NBI Director Eric B.Distor na sa memorandum na isinumite ng NBI Forensic Chemistry Division (NBI-FCD), ang P11 bilyong kaso ay isa sa […]