OBRERO SA MALACANANG, NAKURYENTE
- Published on November 12, 2022
- by @peoplesbalita
NASAWI ang isang 21 anyos na construction worker nang makuryente matapos hawakan ang steel scaffolding sa kanilang barracks sa loob ng Malacanang Park Huwebes ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Leonard Bulado Jr y Llanto,binata, tubong Masbate City at stay-in sa EP Clubhouse barracks sa loob ng Malacanang.
Sa ulat ni PSMSgt Jason Ibasco ng Manila Police District (MPD)-homicide section, bumalik umano ang biktima sa construction site matapos silang mag-break-time nang biglang makuryente matapos mahawakan ang steel scaffolding.
Matapos ang insidente, isinugod ang biktima sa PSG Station Hospital ng kanyang kapatid ngunit hindi na ito naisalba pa.
Patuloy naming iniimbestigahan ang insidente habang hinihintay ang kanyang otopsiya. (Gene Adsuara)
-
2 KULONG SA P360K HIGH GRADE MARIJUANA
ARESTADO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng high grade marijuana sa buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city. Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director PBGen. Eliseo Cruz ang naarestong mga suspek na si Mark Lester Corpuz, 32 ng Banaba St. Pangarap Village, […]
-
PBBM: MDT, CLIMATE CHANGE, TREATY DEALS REVIEW AMONG AGENDA OF US TRIP
President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday said his government will seek a review and assessment of the treaty agreements signed between the Philippines and its long-time ally, the United States, as well as enhance partnerships on climate change mitigation and adaptation. “Well, siyempre liliwanagin natin ulit ang talagang mga treaty agreement sa […]
-
Speaker Ferdinand Martin Romualdez pinuri ang gobyerno ng Timor-Leste sa pagbasura sa kahilingan ni Teves
PINURI ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang gobyerno ng Timor-Leste sa pagbasura nito sa kahilingan ni Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na political asylum sa nasabing bansa. Sa pagtanggi na ito ng naturang bansa, muling nanawagan ang speaker kay Teves na umuwi na ng Pilipinas, ayusin ang kanyang suspensiyon sa Kamara […]