DOH, siniguro sa publiko na hindi matutulad sa Dengvaxia ang Covid -19 vaccine
- Published on December 3, 2020
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Department of Health (DOH) sa publiko na hindi matutulad sa Dengvaxia vaccine ang AstraZeneca Covid-19 vaccine.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na lahat ng bakuna na aangkatin ng bansa ay idadaan sa mahigpit na pagsusuri ng mga vaccine expert panel ng Pilipinas.
Maging ang single-joint Review Ethics Board ay magsasagawa na rin ng pagsusuri.
Magbibigay din ang mga ito ng ulat ukol sa pasado ba sa kanilang pag-aaral ang mga bakuna na posibleng bilhin ng Pilipinas mula sa ibang bansa.
Makaraan nito ay isusumite naman sa board ng Food and Drug Administration (FDA) ang kanilang findings hinggil sa mga Candidate vaccine kung saan muli itong isasailalim sa regulatory and technical evaluation.
Dahil dito, tiwala ang Kalihim na mahihirapang makalusot sa Pilipinas ang mga palyado o mga hindi epektibong bakuna laban sa Covid-19. (Daris Jose)
-
Tako ni Reyes, tutumbok pa
MAGPAPATULOY pa rin sa pagsargo. Ito ang tiniyak ni billiards icon Efren ‘Bata’ Reyes dahil na kahit 65 taong-gulang na ay hangad pa ring makapagbigay ng karangalan para sa bansa o mga Pinoy. Ginawa ng The Magician ang pahayag pagkagawad sa kanya ng Lifetime Achievement Award sa katatapos na SMC-Philippine Sportswriters Association Awards […]
-
“HOTEL TRANSYLVANIA” SEQUEL “TRANSFORMANIA” REVEALS FIRST TRAILER
DRAC’S Pack is out of whack! Watch the first trailer now for Hotel Transylvania: Transformania, which has just been revealed by Columbia Pictures. YouTube: https://youtu.be/k8K8fUh8I4k About the Hotel Transylvania: Transformania: Drac and the pack are back, like you’ve never seen them before in Hotel Transylvania: Transformania. Reunite with your favorite monsters […]
-
Polidario, Magdato wagi
IBINAON nina Alexa Polidario at Erjane Magdato ng Abanse Negrense A sina DM Demontano at Jackie Estoquia, 21-15, 21-17, upang magreyna nitong Linggo sa Gatorade 7th Philippine Super Liga (PSL) Beach Volleyball Challenge Cup 2021 sa Subic Bay Freeport. “Sobrang saya. It’s a blessing kasi kahit first time namin mag-join ng ganitong league […]