Hinihimas lang dati ang mga trophies ng Superstar… LOTLOT, nakasungkit na rin ng ‘Gaward URIAN’ tulad nina NORA at JANINE
- Published on November 19, 2022
- by @peoplesbalita
TOP winner ang ‘On The Job: The Missing 8’ sa katatapos lamang na 45th Gawad URIAN Awards na ginanap noong Huwebes, November 17 sa Cine Adarna ng UP Film Institute.
Humakot ng siyam na awards ang pelikula kasama rito ang Best Picture (ka-tie ang ‘Big Night’), Best Director (Erik Matti), Best Actor (John Arcilla), Best Supporting Actress (Lotlot de Leon), Best Supporting Actor (Dante Rivero), Best Sound, Best Music, Best Editing (ka-tie ang ‘Walang Kasarian Ang Digmang Bayan’), at Best Screenplay.
Nanalong Best Actress si Yen Santos para sa ‘A Faraway Land’, Best Production Design naman ang ‘Kung Maupay Man It Panahon’, at Best Cinematography ang ‘Big Night’.
Nagsilbing host ng awards night sina Butch Francisco at Agot Isidro.
***
HISTORY naman para sa isa sa Manunuri member ng Gawad URIAN na si Butch Francisco dahil tatlong henerasyon ng aktres na ang may URIAN award.
Nauna nang nagwagi si Nora Aunor, sumunod si Janine Gutierrrez at ngayon ay si Lotlot de Leon dahil siya nga ang nagwaging Best Supporting Actress para sa pelikulang ‘On The Job: The Missing 8.’
Kaya naman hindi napigilan ng aktres na mapaiyak habang tinatanggap ang acting award niya mula sa 45th Gawad URIAN.
Sa kanyang speech ay inialay ni Lotlot ang kanyang award sa mga magulang niyang sina Nora Aunor at Christopher de Leon, kay Nanay Sandy Andolong niya, at gayundin sa kanyang biological parents.
“Marami po akong magulang,” ang nakangiting sabi pa ni Lotlot.
Inialay rin niya ang kanyang tropeyo sa kanyang mga anak (Janine, Jessica,Diego at Maxine Gutierrez) at sa mister niyang si Fadi El-Soury, pati na rin sa manager niyang si Leo Dominguez.
Ito nga ang first URIAN award ni Lotlot at pag-amin pa niya sa kanyang speech, “Dati ay hinihimas ko lang ang mga [URIAN] trophies ng mommy ko.”
***
SA acceptance speech naman ni Yen Santos ay hindi niya nakalimutang pasalamatan ang leading man na si Paolo Contis, na kung saan pinarangalan siya bilang Best Actress para sa ‘A Faraway Land’.
Una muna ay pinasalamatan niya ang mga producer ng pelikula na nagtiwala sa kanya. “Napakalaking blessing po na mabigyan ng magandang proyekto sa gitna ng pandemya.
“2020 po, iyon yung kasagsagan ng pandemya na hindi ko sigurado kung kailan magiging OK lahat.
“Lahat, apektado. Nahinto ang mga trabaho. At dumating po ang A Faraway Land sa akin.
“Noong in-offer po ito sa akin, inoohan ko agad. At bonus pa na nagawa namin ito sa napakagandang lugar.
“Kaya gusto ko pong magpasalamat sa Mavx Productions, kay Direk Roni [Veronica Velasco], sa staff and crew. Maraming-maraming salamat sa inyo.”
“And of course, to my leading man Paolo Contis — sobrang talented, napakagaling na artista. Maraming-maraming salamat sa iyo.
“Ahhm, I’ll always be your number one fan,” nakangiting pahayag pa ng Best Actress ng 45th Gawad URIAN.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
SC binasura ang petition renaming MIA to NAIA
Binasura ng Supreme Court (SC) ang petition ng lawyer na si Larry Gadon upang ipawalang bisa ang 33-year-old na batas sa pagbabago ng Manila International Airport (MIA) upang maging Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sa isang full session noong Martes, ang mga justices ng SC ay sumangayon lahat na hindi pagbigyan ang petition dahil […]
-
Italya mapagkukunan ng mga basketbolista
HINDI na lang pala Estados Unidos ang maaring maging balon ng talento ng Philippine basketball sa hinaharap na panahon. Ilista na rin ang Italya. May ilang Filipino-Italian ang masisilayan sa 83rd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2021. Ilan sa kanila ay sina Gabriel Gomez, Roger delos Reyes at Andrei Abellera […]
-
SHARON, wala nang atrasan sa paggawa ng ‘Revirginized’ na ididirek ni DARRYL YAP
MUKHANG kahit hindi pabor ang mga fans ni Sharon Cuneta ay walang atrasan ang paggawa ng Megastar ng pelikula under the direction of the controversial Darryl Yap. Revirginized ang title ng comeback film ni Sharon sa bakuran ng Viva Films after 19 years. Ito ay mula sa panulat at direksyon ni Darryl Yap. […]