Italya mapagkukunan ng mga basketbolista
- Published on December 12, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI na lang pala Estados Unidos ang maaring maging balon ng talento ng Philippine basketball sa hinaharap na panahon.
Ilista na rin ang Italya.
May ilang Filipino-Italian ang masisilayan sa 83rd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2021.
Ilan sa kanila ay sina Gabriel Gomez, Roger delos Reyes at Andrei Abellera kasama sina Patrick Dimayuga, Jose Carlos Cullar at magkakapatid na Wilfrey Jr at Vince Magbuhos.
Minsang lumaro na rin sa bansa sina Gomez, Delos Reyes at Abellera sa dumayong Fil-Italian community team sa 2019 National Basketball Training Center (NBTC).
Sila at ang ibha pang mga mga player ay nasa iba’t-ibang team na mga naglalarorin sa Proudly Pinoy Community Basketball League sa naturang European country.
Misyon ni Proudly Pinoy organizer Ever Cuerdo at iba pang mga kapwa na nasa Italy na matulungan ang mga kabataan sa pag-aaral at makakuha rin ng kurso sa kolehiyo sa mga liga sa ‘Pinas at makapaglaro rin sa national team (Gilas Pilipinas) sa tamang pagkakataon.
Nagkakaisa rin ang mga kabataang basketbolista na makaabot sila sa professional pagdating ng tama ring panahon, o makapaglaro sa Philippine Basketball Association (PBA).
Medto malayo pa lang ang agwat ng Amerika at Italya sa kalibre para sa nasabing sport. Pero dahil sa ligang Pinoy-Italyano at iba, hindi malayong dumatng ang araw na makalapit ang una sa huli.
Naniniwala ang Opensa Depensa na matutuklasan ding astig na Fil-Italian baller na magkakapangalan sa PH 5 at maging sa PBA.
-
Pinas, kailangan ng mga bagong solusyon, mga alyansa para tugunan ang tensyon sa South China Sea -PBBM
INAMIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumaas ang tensyon sa South China Sea. Dahil dito, ginagawa at tinatrabaho na ng Pilipinas ang lahat ng makakaya nito para makahanap ng solusyon o kasagutan sa usaping ito. Binigyang diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan ng bansa na “mga bagong solusyon” sa gitna […]
-
PRC, nanawagan sa publiko na maging vigilante laban sa mpox
NANANAWAGAN si Philippine Red Cross (PRC) Chairman at CEO Richard “Dick” Gordon sa publiko na maging vigilante laban sa mpox, kasunod na rin ng ginawang kumpirmasyon ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng bagong kaso ng sakit sa bansa nitong Agosto 18 lamang. “With the lessons learned from […]
-
La Salle ibinunton ang galit sa UST
IBINUHOS ng La Salle ang ngitngit sa University of Santo Tomas nang itarak ang 75-66 panalo sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Nasandalan ng Green Archers si Justine Baltazar na kumamada ng 20 points, 7 rebounds at 5 assists para sa kanilang ikaapat […]