• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasunduan para masilip ng mga health expert ng bansa ang resulta ng mga clinical trials ng AstraZeneca, tinintahan na

TULUY-tuloy ang pakikipag-usap ng Department  of Science and Technology (DoST) sa AstraZeneca, makaraang sabihin na muli silang magsasagawa ng panibagong clinical Trial dahil sa paiba-ibang resulta ng kanilang bakuna laban sa Covid-19.

 

Sa katunayan, ayon kay Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development ng DOST sa Laging Handa briefing na nagkaroon na sila ng confidentiality data agreement signing sa AstraZeneca para payagan  ang Vaccine Expert Panel ng bansa na matingnang mabuti ang datos na kanilang  isusumite sa Pilipinas batay sa isinagawa nilang Phase 1 at Phase 2 clinical trial.

 

Bukod dito, sinabi ni Dr. Montoya  na mayroon na ring ikinakasang phase 3 clinical trial ang Astrazeneca Biopharmaceutical company sa Pilipinas.

 

Kumbinsido si Montoya na isa itong pagkakataon para maberipika kung ano pa ang mga maaaring katanungan na ibibigay sa kanila ng mga Press  at ng iba’t ibang tao  ukol sa  resulta ng kanilang Phase 3 Clinical Trial.

 

Magugunitang,  noong Biyernes, pumirma na ng 600-million deal ang pamahalaan ng Pilipinas para sa isang tripartite agreement aa pagitan ng mga pribadong sektor at AstraZeneca upang madala na sa Pilipinas  sa second quarter ng susunod na taon ang kanilang COVID-19 vaccine. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Higit 900-K pang Pfizer vaccines dumating sa Phl

    Mahigit 900,000 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines mula sa COVAX Facility ang dumating sa Pilipinas kahapon.     Lumapag ang Emirates flight lulan ang 918,450 Pfizer jabs sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 pasado alas-4:00 ng hapon.     Marso 1 ng kasalukuyang taon nang sinimulan ng Pilipinas ang vaccination program nito kontra COVID-19. […]

  • To celebrate her 40th anniversary: Queen of Pop na si MADONNA, isiniwalat na may 35-city tour

    MALAKI ang pinagbago ni Lexi Gonzales ngayon mula sa kanyang pagkilos at pag-aayos ngayon. Malayung-malayo sa Lexi na neneng-nene pa noong sumali ito sa ‘StarStruck’ noong 2019. Ang pakikipagrelasyon daw ni Lexi kay Gil Cuerva ang dahilan kung bakit mabilis itong nag-mature. Pero sinabi ni Gil na noong nakilala raw niya si Lexi ay mature […]

  • 51 Pinoy sa Gaza, humiling ng ma-repatriate dahil sa banta sa kanilang seguridad – PH envoy to Jordan

    AABOT na sa 51 Pilipino sa Gaza ang humiling para sa repatriation dahil banta sa kanilang seguridad sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israeli forces at militanteng Hamas ayon kay PH Ambassador to Jordan Wilfredo Santos.     Ayon pa sa PH envoy, tinatalakay na nila ito kasama ang iba pang mga […]