• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: Pekeng gamot naglipana sa online shopping

NAGBABALA sa publiko ang Department of Health (DOH) sa pagiging talamak na sa mga “online shopping platforms” ng mga ibinibentang pekeng gamot na tumindi nitong kasagsagan ng lockdown dulot ng pandemya.

 

 

Ayon sa DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, “global public threat” na ang paglipana ng pekeng gamot dahil maaaring magkaroon ito ng masamang epekto sa kalusugan.

 

 

“Counterfeiting of medicines is illegal and considered a serious threat to our individual health and welfare and may result in hospitalization, permanent disability, or worse, even death,” ayon kay Vergeire.

 

 

“Maraming gamot ang kinailangan natin, ascorbic acid, gamot sa ating lagnat, sipon, ubo, tendency niyan mas maraming gumagawa ng counterfeit,” ayon kay FDA Common Services Laboratory director II Jocelyn Balderrama.

 

 

Sa datos ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group, umabot na sa P53 milyong halaga ng pekeng COVID-19 test kits ang nakumpiska nila mula noong 2020. Ngunit sa mga kasong naisampa, nasa 24% na ang nadismis dahil sa kakulangan ng sertipikasyon ng mga manufacturer na peke ang kanilang nakumpiskang mga ebidensya.

Other News
  • Boxing icon Roberto Duran, nagpositibo sa COVID-19

    Nananatili ngayon sa isang ospital sa Panama ang boxing legend na si Roberto Duran matapos makumpirma na dinapuan ito ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).   Sa Instagram post ng kanyang anak na si Robin, sinabi nitong minor symptoms lamang na katulad ng sipon ang naranasan ng kanyang ama.   Hindi naman daw inilagay sa ventilator […]

  • $2-M ADB grant para suportahan ang ‘Odette’ relief ng Pilipinas

    INAPRUBAHAN ng Asian Development Bank (ADB) ang $2-million grant para suportahan ang emergency response ng gobyerno ng Pilipinas sa mga nasalanta at nawasak na lugar sa central at southern provinces dulot ng bagyong Odette.     Ang bagyong Odette ang itinturing na “strongest typhoon” na tumama sa bansa noong nakaraang taon.     Ang grant […]

  • Next fight ni Pacquiao pinaplantsa na!

    Pinaplantsa na ang susunod na laban ni eight-division world champion Manny Pacquiao na ina­asahang isisiwalat ng kampo nito ngayong linggo.     Ayon kay Pacquiao, ilang bagay na lamang ang inaaayos bago ihayag ang pangalan ng makakasagupa nito sa kanyang laban na target idaos sa Abril o Mayo.     Mahigit isang taon ding hindi […]