• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGTANGGAL SA BUDGET NG PAO LABORATORY UNCONSTITUTIONAL MILYONG MAHIHIRAP NA PILIPINO MAAPEKTUHAN

IGINIIT ng dalawang batikang abogado na sina Atty Larry Gadon at Atty Glenn Chong  na obstruction of justice ang ginagawa ng dalawang senador na kinabibilangan nina Senator Franklin Drilon at Senator Sonny Angara kasunod ng kanilang insertion o pagnanais na huwag bigyan ng pondo ang nasabing laboratoryo.

 

Ayon naman kay Dr. Erwin Erfe, chief ng Forensic Laboratory Division ng PAO na brazen abuse of power ang ginagawa ng dalawang naturang senador para matigil ang ginagawang pag tulong sa mga mahihirap.

 

“Abuso sa kapangyarihan at unconstitutional ang ginagawa ng dalawang senador na yan dahil lamang sa kalaban ng kliyente nila (Accra) ang mga tinutulungan naming mahihirap,” saad ni Erfe. Mag dudulot din ito ng tinatawag na “chilling effect” sa mga regular na empleyado ng gobyerno.

 

Sinabi naman ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta, na matagal ng may “kill PAO Forensic Lab” na pinag iinitan ng dalawang senador na isang panggigipit sa mahihirap na kliyenye ng PAO upang hindi makapag testify laban sa mgannasa likod ng dengvaxia case. Patuloy naman na nanawagan ang PAO sa pangunguna ni Atty Persida V. Rueda-Acosta kay PDU30 na huwag sanang p[ayagan ang pag alis ng pondo ng PAO Forensics Lab. (RONALDO QUINIO)

Other News
  • Mga gobernador ng Laguna, Cavite, iba pang lalawigan tiniyak ang landslide win ni BBM

    ILANG araw bago ang halalan, lalo pang tumibay ang tsansa ni presidential frontrunner at dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na manalo matapos tiyakin ng mga gobernador ng mga pinaka vote- rich na lalawigan sa bansa ang kanyang tagumpay.     Sa isang pulong sa BBM Headquarters sa Mandaluyong ay siniguro nina Gob. Jonvic Remulla ng […]

  • Colleges, universities planong lagyan ng ‘Register Anywhere’ ng Comelec

    PLANO ng Commission on Elections (Comelec) na maglagay pa ng mas ma­raming site para sa Register Anywhere Project (RAP) nito, partikular sa mga kolehiyo at unibersidad. Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na kasaluku­yang nakikipag-ugnayan sila sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) para magkaroon ng RAP ang ilang kolehiyo […]

  • PBBM, bitbit ang $1.3-B investment pledges matapos ang mabungang US official visit

    BITBIT  ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. pag-uwi sa Pilipinas ang USD1.3 bilyong halaga ng investment pledges matapos ang five-day official visit sa Estados Unidos.  Sa kanyang post-visit report,  sinabi ng Pangulo na sa kanyang mga engagements kasama ang maraming  American business groups, sinabi niya na nagawa niyang akitin ang maraming negosyante na palawakin ang […]