Sirkulasyon ng pekeng pera at iba’t ibang modus ngayong Christmas season, ibinabala ng Philippine National Police sa publiko
- Published on November 22, 2022
- by @peoplesbalita
TODO ngayon ang paalala ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na mag-ingat sa sirkulasyon ng pekeng pera maging ang iba’t ibang modus ngayong holiday season.
Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, tuwing sasapit naman ang Pasko at Bagong Taon ay nagkalat na ang iba’t ibang modus ng mga masasama ang loob.
Kabilang daw sa mga dapat bantayan ngayong holiday season ng publiko ang crimes against property gaya ng pagnanakaw at panloloko o panlilinlang na tumataas ang kaso kapag ganitong mga panahon.
Pinayuhan din ni Fajardo ang ating mga kababayan na mag-ingat sa mga transaksiyon kapag namimili sa mga palengke, sa mga mall, lalong-lalo na’t sa ganitong panahon ay marami ang mga balikabayan na uuwi sa Pilipinas at may bitbit na mga remittance.
Dahil dito, dapat ay magpapalit lamang daw ang ating mga kababayan sa kanilang pinaghirapang pera sa mga authorized money changer.
At dahil papalapit na ang Christmas Day, hinikayat din nito ang publiko na bumili na ng mga regalo at suplay nang mas maaga para maiwasan ang holiday shopping rush.
Pinayuhan din ng opisyal ang mga magsa-shopping na bumuli lamang sa mga legitimate sellers at kahit na sa mga online shops.
Una rito, pinayuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na isagawa ang “Feel-Look-Tilt” method para ma-check ang security features ng New Generation Currency (NGC) banknotes.
-
Suplay ng COVID-19 vaccine, hindi malayong kapusin sa first at second quarter ng taon –Galvez
HINDI malayong kapusin ang Pilipinas sa suplay ng COVID-19 vaccine sa first at second quarter ng taon dahil karamihan sa western vaccines ay ginagamit ng Europa at and the United States. Gayunman, kumpiyansa si Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na ang Pilipinas ay may sapat na suplay ng bakuna para ngayong taon para […]
-
‘Mr. M’, hiyang-hiyang nag-apologize sa pagkaladkad kina PIOLO at MAJA; ‘SNL’ six months dapat pero natsugi na
NAG–APOLOGIZE si Johnny “Mr. M” Manahan kina Piolo Pascual at Maja Salvador dahil sa pagkatsugi ng Sunday Noontime Live (SNL) sa TV5. Inamin ni Mr. M na sumama sa SNL ang dalawa dahil sa loyalty nila sa kanya. Six months daw kasi ang pinangako ng Brightlight Productions sa pag-ere ng SNL. […]
-
DOTr: Sinimulan ang pag-aaral ng privatization ng EDSA busway; LTO maghihigpit sa overloading
SINIMULAN na ng Department of Transportation (DOTr) ang paghingi ng mga insights mula sa pribadong sektor para sa planong privatization ng EDSA busway. Humingi ng mga feedback mula sa mga posibleng investors ang DOTr na gustong magtayo, mag-operate at mag-maintain ng transport projects sa ilalim ng public-private partnership (PPP) scheme ng pamahalaan. […]