• April 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gulo sa PWAI nasa AWF na

UMABOT na rin pala ang alingasngas sa Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI) sa nakabase sa Doha, Qatar na Asian Weightlifting Federation (AWF).

 

Ito ay ang kawalang eleksiyon sa National Sport Association ng ‘Pinas sapul noong taong 2016 at basta na lang pinalitan ito ng bagong pangalan.

 

Si PWAI board member Felix Tiukinhoy Jr. ang nagparating ng bagay kina AWF officials, Qatari president Mohammded  Yousuf Almana at secretary general Boossaba Yodbangtoey ng Thailand.

 

Nanunungkulan ding pangulo ng Cebu Weightlifting Association, Inc. (CWAI), ipinahayag ng Cebu City-based na si Tiukinhoy na nagkaloko-loko  ang PWAI nang biglang umalis ng Pilipinas at manirahan na sa Estados Unidos ang dating pangulo na si Roger Dullano.

 

At basta-basta na lang din aniya ipinagpatuloy ng dating pangulong si Monico Puentevella ang pag-aktong presidente nang walang pagpupulong o halalan base sa batas ng PWAI.

 

“I am sincerely looking forward to your positive remark on this regard and may all the good forces be with as to uplift our beloved sport weightlifting,” anang opisyal ng PWAI, na commissioner din ng Cebu Sports Foundation (Cesafi) sa dalawang pahinang liham sa mga opisyal ng Asian continental lifting body.

 

Bubmuo sa CWAI, na karamiha’y bahagi rin ng PWAI sina Cong. Rufus Rodriguez (chairman), Jude Harry del Rio (vice president), Judith Sadje Sulla (secretary general), Edwin Nacua (treasurer), Danilo Catingub (auditor), Juan Maraat (PRO), Eliseo Dildig (project director), Dean Baldomero Estenzo (legal adviser), at Hidilyn Diaz (program ambassador).

 

Dalangin ng OD, para kabutihan ng PH sports at ng ating mga atleta, maayos na sana ang problema ng PWAI. Panghimasukan na rin sana rin ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino o ng kagaya niyang bagong halal na POC executive board. (REC)

Other News
  • Psalm 34:8

    The Lord is good.

  • NAVOTAS NAMIGAY NG BIGAS, MANOK SA 80K FAMILIES

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng limang kilong bigas at isang buong manok sa bawat pamilyang Navoteño bilang bahagi sa pagdiriwang ng lungsod ng ika-116 na anibersaryo ng pagkakatatag nito.     Pinangunahan nina Mayor Toby Tiangco, Congressman John Rey Tiangco at mga barangay opisyal ang unang araw ng pamimigay ng 116th Navotas Day […]

  • Benilde rumesbak!

    BUHAY  pa ang College of Saint Benilde nang kubrahin nito ang 76-71 panalo kontra sa defending champion Colegio de San Juan de Letran para makahirit ng do-or-die Game 3 sa NCAA Season 98 men’s basketball finals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.     Walang iba kundi si season Most Valuable Player (MVP) Will Gozum ang […]