• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vhong Navarro, kalaboso na sa Taguig jail

NAILIPAT na noong Lunes sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Taguig City ang aktor na si Vhong Navarro buhat sa kanyang pagkakadetine sa detention center ng National Bureau of Investigation (NBI).

 

 

Nakadetine ngayon sa Male Dormitory ng BJMP Taguig City Jail si Navarro makaraang lumabas na ang kaniyang medical examination at negatibong RT-PCR test results.

 

 

Ang paglilipat ng kulu­ngan sa aktor ay matapos na maglabas ng “commitment order” ang Taguig Regional Trial Court Branch 69 na mailipat na ng detensyon si Navarro at iniutos sa NBI-Security Management Section noong Nob. 14.

 

 

Kahapon ng umaga, ­ineskortan na ng mga ahente ng NBI si Navarro patungo sa Taguig City Jail.

 

 

Nakulong si Navarro makaraang sumuko noong Setyembre sa NBI nang maglabas ng warrant of arrest ang korte ukol sa kasong rape na isinampa laban sa kanya ng mo­delong si Deniece Cornejo. (Daris Jose)

Other News
  • P200K ang isang set na may personalized message: First-ever handpainted toy collectibles ni HEART, inaasahang magso-sold out

    WALA talagang tigil ang Kapuso star and fashion icon na si Heart Evangelista sa kanyang pasabog na artworks.   Infairness, pinangangatawan na talaga ni Heart ang pagiging ‘artist’ at talaga namang inaabangan ng mga art lovers and collectors ang kanyang latest creations.   Sa kanyang Instagram post, pinasilip nga ni Heart ang kanyang first-ever handpainted […]

  • KEN’S A 10 IN HIS OWN MUSIC VIDEO “JUST KEN” FOR “BARBIE” MOVIE

    GET in Ken’s head and feel the Ken-rgy  Watch Ryan Gosling get emotional as Ken in the music video “Just Ken.” “Barbie,” directed by Greta Gerwig and featuring a star-studded cast led by Margot Robbie and Gosling, opens in Philippine cinemas July 19.        “Just Ken” on YouTube: https://youtu.be/t0F0_jYez20 Facebook: https://fb.watch/lLw5tVTMHj/       The highly […]

  • Truck driver at helper, kinasuhan sa pagmamaniobra ng palitan ng manok

    SINAMPAHAN ng  National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) ang dalawang indibidwal na responsible sa pagpapalit ng mga buhay na mga manok na nagresulta sa pagkakalugi ng mahigit P200K ng isang poultry company.     Kasong Qualified Theft sa ilalim ng Article 308 in Relation to Article 310 of the Revised Penal Code  […]