• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bong Go: POGO isarado kung perhuwisyo

HINIMOK ni Senator Christopher “Bong” Go ang gobyerno na maingat na balansehin ang perhuwisyo at benepisyo na hatid ng mga Philippine offshore gaming operations (POGOs) sa bansa at tiyakin kung napananatili nito ang kapayapaan at kaayusan, gayundin ang pangangalaga sa buhay ng mga tao.

 

 

Ani Go, kung pulos kaperhuwisyuhan lamang at wala nang naibibigay na magandang benepisyo ay mas mabuti pang i-ban at tuluyan ng isarado ang mga POGO.

 

 

“Ako po ang posisyon ko po d’yan sa POGO, tingnan po natin ang cost and benefit ng operation ng POGO,” ani Go sa isang ambush interview matapos pangunahan ang paglulunsad ng ika-153 Malasakit Center sa bansa sa loob ng Overseas Filipino Workers Hospital  sa San Fernando City, Pampanga.

 

 

“Kung hindi naman po gano’n kalaki ang kita ng POGO para sa gobyerno (at sa Pilipino)… at mas lalala ang (problema sa) peace and order natin, naghahasik ng lagim itong mga dayuhan, nakakabahala po — ‘yung sila mismo ang  naghahari dito — mas mabuti pang i-ban na lang po,” idiniin ng senador.

 

 

Sa pinagsamang pagdinig ng Senado noong Miyerkules, nagbigay ang PAGCOR ng roadmap para sa pagtugon sa mga isyung nakapalibot sa mga POGO.

 

 

Sinabi ng PAGCOR na ang roadmap ay naglalayong “makamit ang pinakamainam na bilang ng mga lisensyado at unti-unting dagdagan ang kabuuang kita ng POGO sa susunod na limang taon, ngunit may mas matatag na balangkas ng regulasyon na mag-aalis ng mga operasyon ng iligal na online na pagsusugal at ang mga sakit sa lipunan na nauugnay dito.” (Gene Adsuara)

Other News
  • RTC JUDGE ABADILLA, BINARIL NG RTC CHIEF CLERK OF COURT

    KRITIKAL ang isang Judge ng Regional Trial Court (RTC) nang pagbabarilin ng Hepe ng Court of Clerk sa loob ng kanyang tanggapan sa Manila City Hall, Manila.   Kinilala ang biktima na si Hon, Maria Theresa  Abadilla y Samonte, 44 Judge ng Manila RTC Branch 45 habang kinilala ang suspek na si Atty Amador Rebato y […]

  • Naoya Inoue binakante ang kanyang mga World Bantamweight Titles

    Kinumpirma ni Japanese pound-for-pound superstar Naoya Inoue na babakantihin ang kaniyang WBC, WBA, WBO at IBF world bantamweight titles.   Ito ay dahil balak niyang umakya sa 122-pound division ngayon taon.   Ayon kay Inoue na wala ng challenge sa 118-pound division.   Ang nasabing hakbang ay nangangahulugan na mayroong tsansa ang ilang mga Filipino […]

  • Pagnanakaw sa bayan sakit na kailangang gamutin – Bong Go

    Ikinumpara ni Senador Bong Go ang walang pakundangang pagnanakaw sa kaban ng bayan sa isang sakit na kailangang gamutin at gawan ng preventive measures.   Kaya nga, agad na bumuo task force si Pangulong Rodrigo Roa Duterte makaraang malaman nito ang mga alegasyon ng korapsyon sa PhilHealth.   Sinabi ni Go na walang puwang sa […]