• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

60 bangkay ng PDLs inilibing sa NBP cemetery

ANIMNAPUNG  bangkay ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) na matagal nang nakalagak sa isang punerarya ang pinalibing na ng Bureau of Corrections (BuCor), sa New Bilibid Prison (NBP) cemetery sa Muntinlupa City kahapon ng umaga.

 

 

Ang mga inilibing ay kabilang sa 176 na bangkay na matagal nang nakalagak sa Eastern Funeral Homes at nadiskubre lamang nang magsagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ng isang Cristito Villamor Palaña, isa sa sinasabing middlemen sa pamamaslang sa bete­ranong broadcaster na si Percy Lapid Mabasa.

 

 

Nagdaos muna ng misa bago tuluyang inilibing ang mga bangkay na inilagay sa kahoy na ataul at ipinasok sa mga nitso.

 

 

Una nang ipinalibing ang 10 bangkay nitong buwang ito.

 

 

Nabatid na ang mga nailibing ay nasa advance state of decomposition na kabilang ang mga nasawi ng ­Enero hanggang Oktubre ngayong taon.

 

 

Ayon kay BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang, 60 pang mga bangkay ng PDLs ang nakatakdang ipalibing sa Disyembre 2.

 

 

Sinabi naman ni BuCor Senior Supt. Ma. Cecilia Villanueva ng Directorate for Health and Welfare Servi­ces na ang 40 pang bangkay ay maiiwan sa Eastern Funeral Homes.

 

 

“May I make mention po na kaya po merong unclaimed may mga dumadating pong relatives, hindi na po talaga kine-claim yung body, kinukuha na lang po yung death certificate,” ani Villanueva.

 

 

Sa kabila ng may 90 araw na palugit para sa pag-claim ng bangkay, wala pa rin aniyang pumupuntang kamag-anak ang mga nasasawing PDLs.

Other News
  • Tropa ni LeBron niresbakan ng Heat

    Sa kanilang NBA Finals rematch matapos ang apat na buwan ay niresbakan ng Miami Heat ang nagdedepensang Lakers, 96-94, tampok ang 27 points ni guard Kendrick Nunn.     Tumipa si Jimmy Butler ng 24 points at 8 rebounds para sa Miami (13-17) habang humakot si center Bam Adebayo ng 16 mar­kers at 10 boards. […]

  • Mga senador sa DBM: Dalian ang pamamahagi ng Bayanihan 2 fund

    KINALAMPAG ng mga senador ang Department of Budget and Management na ipamahagi agad ang pondo mula sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.   “We urgently call on the DBM (Department of Budget and Management) to immediately issue the necessary Special Allotment Release Orders to all implementing agencies, even pending the issuance […]

  • TAKE A SNEAK PEEK AT THE RESIDENTS OF HWANG GUNG APARTMENTS IN THE CHARACTER TRAILER FOR “CONCRETE UTOPIA” (PART 2)

    RULES for survival: Obey or leave. Watch the character trailer for Concrete Utopia.  The critically acclaimed film is now showing in Philippine cinemas. https://youtu.be/1vY5TwZaRb0 Get to know more about the characters of Concrete Utopia and the actors and actresses that portrayed them, as described by director Um Tae-hwa. GEUM-AE, the head of Hwang Gung Apartments women’s association Played […]