• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sen. Pacquiao, bagong pangulo ng PDP-Laban party

Pormal ng nanumpa bilang bagong pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Senator Manny Pacquiao.

 

Sinabi ni PDP-Laban executive Director Ronwald Munsayac, napili rin si House Speaker Lord Allan Velasco bilang bagong executive vice president ng partido.

 

Si Pacquiao aniya ay naging “acting national president” na bago pa pormal na italaga sa ruling party na kinaaniban ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Sinabi pa ni Munsayac, ipinasa na ni Senator Aquilino Pimentel III ang pamumuno sa kapwa nito senador para sa paghahanda ng partido sa 2022 national at local elections.

 

Tiniyak naman nito mahigpit na makikipag-ugnayan ang bagong lider ng partido sa kanilang chairman na si Pangulong Duterte. (ARA ROMERO)

Other News
  • Muntik nang mapaiyak sa last taping day ng ‘Daddy’s Gurl’: CARLO, ‘di makalilimutan ang karanasang nakatrabaho sina Bossing VIC at MAINE

    MUNTIK na raw mapaiyak si Carlo San Juan sa last taping day nila para sa sitcom na ‘Daddy’s Gurl’ na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Maine Mendoza.   Gumanap si Carlo sa naturang comedy show bilang si CJ.   Malapit na ang pagtatapos sa ere ng sitcom at ayon mismo kay Carlo ay napamahal na […]

  • 1,000 PAMILYA SA CEBU BINIGYAN NG LIBRENG PABAHAY NG GOBYERNO – NOGRALES

    Pinangunahan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles kasama ang mga opisyal ng National Housing Authority at LGU ang ginanap na ceremonial turnover ng Yolanda housing units sa Santa Fe, Cebu noong Martes, Abril 20, 2021 na aniya’y katuparan ng pangako ng administrasyong Duterte na kumpletohin at agarang ipamahagi sa bawat benepisyaryo ang mga libreng pabahay.   […]

  • Sa kabila ng pandemya, tradisyon sa pagdiriwang ng Pasko pangungunahan ng mga LGU

    SA kabila ng kinakaharap na pandemya, tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na handa ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na buhayin ang ekonomiya at pasiglahin ang nakasanayang tradisyon ngayong panahon ng Kapaskuhan.   Sa ginanap na directional meet- ing kahapon na pinangunahan ni Domagoso kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, […]