Kahit sinasabing mahusay na dramatic actress: WINWYN, mas gustong malinya sa action genre kahit delikado
- Published on December 1, 2022
- by @peoplesbalita
SA kuwento sa amin ni Ms. Mel Tiangco, may mga pagkakataon na naaapektuhan siya sa kanyang mga subjects na tampok ang kuwento sa ‘Magpakailanman’.
“Tinamaan ako dun sa isang lalaking pag-upong pag-upo ko, sabi ni direk, ‘Ah Tita Mel may pakiusap sa inyo yung subject.’ ‘Ah okay sure, what is that?’
“Sabi niya, ‘E meron po akong konting diperensiya sa tenga’, sabi niya. ‘Ah okay.’
“Ako naman wala lang, ‘no. ‘Ah sure, sure, sure.’
“Sabi ko. ‘Lalakasan ko boses ko, okay? Is that what you want’, sabi ko sa kanya. ‘Opo.’
“Alam niyo bang umiyak yung… he is a thirty-year old guy, good-looking at maganda itsura niya at mabait, very decent… umiyak!
“Sabi ko, ‘Ay bakit ako nagpaiyak?’
“I couldn’t help it, I went to him and I sort of, you know, comforted him, not knowing why he was crying! Sabi ko, ‘Bakit iho? Nasaktan ba kita?Meron ba akong nasabing mali?’
“Alam mo ang sagot niya? ‘Kasi po kasiraan ko po yun, e.’
“Sabi ko, ‘Hindi! Hindi kasiraan yung magkaroon ka ng problema sa pandinig, hindi kasiraan’, sabi ko. ‘Ang kasiraan yung masamang tao ka. Yung ikaw ay nang-aapi ng kapwa mo, iyon ang masamang tao! Hindi yung ganyan.’
“And so right away, I asked my office, the foundation to give me my referral letter, I gave him a referral letter to the, basta marami na kaming pinag-usapan, marami na kaming… may mga ganung bagay na iyon ang nagbibigay din sa akin ng fulfillment.
“Hindi lang sa televiewers kundi maging iyon mismong subject.
“Parang napi-feel ko na if I do this I will change this boy’s life for the better. Hindi niya ako makakalimutan, hindi niya makakalimutan ang Magpakailanman.
“So marami akong experiences in the program na nananatili sa kaisipan ko at nananatili sa puso ko, at isa iyon. Ganun yung mga pangyayari that gives me the fulfillment of doing Magpakailanman.”
Referral letter para sa isang ospital ang ipinagkaloob sa naturang lalaki upang matingnan ito ng doktor.
“Then we will find out kung ano ang kailangan niya.”
“I want to know how to improve his life and how to take, tanggalin ko yung pait na yun sa buhay niya na sasabihin niyang kasiraan niya yun.
“Gusto ko mangyari yun, whatever it is, whatever it will take.”
***
NAIS ni Winwyn Marquez na malinya sa action genre.
Na kahit siya raw mismo ang gumawa ng mga stunts kahit delikado ay papayag siya.
“Iyon yung gusto ko talagang gawin, action.”
May mga nagsasabi naman na mas magiging mahusay na dramatic actress si Winwyn ngayon dahil isa na siya ng ina, na kumbaga ay iba na ang pinagdaanan niya kumpara noong wala pa siyang anak, na mas may “hugot” na si Winwyn ngayon kapag sasalang sa mga drama scenes.
“Totoo talaga yun kasi yung pain, kasi normal delivery ako, di ba yung mga pinagdaanan, yung labor, so feeling ko iyon yung mga paghuhugutan ko na dapat galingan ko, yung mga roles,” at tumawa si Winwyn, “so sana mabigyan pa ng mga opportunities na magagandang films.”
Bukod pa rito ay may Best Actress award na siya kailan lamang sa 12th International Film Festival Manhattan para sa pelikula niyang ‘Nelia’.
-
Pulis patay sa pamamaril sa Makati
PATAY ang isang pulis matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salaring sakay ng motorsiklo sa Makati City, kahapon ng umaga, Marso 9 Lunes. Kinilala ni Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati police, ang biktima bilang si Maj. Jeffrey Dalson, na nakatalaga sa Camp Crame, ang headquarters ng Philippine National Police. Nakasakay si […]
-
Sa pagpirma ng 9-picture sa Viva Films: ANNE, pangarap na makatrabaho ni Direk PHIL sa isang horror film
PUMIRMA ng 9-picture sa Viva si Phil Giordano, ang director ng Vivamax movie na “Pabuya” na pinagbibidahan ni Diego Loyzaga. Sa isang chikahan over lunch with Direk Phil, nalaman namin na bata pa lang siya ay gusto na niyang maging director. Dahil he’s an only child, inaaliw niya ang kanyang sarili by writing out stories […]
-
NCAP pinahinto ng Supreme Court (SC)
EN BANC ang pagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP) na ginagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng limang (5) lokal na pamahalaan sa Metro Manila. Nagbigay ng temporary restraining order (TRO) ang SC bilang sagot sa petitions na inihain ng magkakahiwalay laban sa pagpapatupad ng NCAP. “It issued the […]