• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pulis patay sa pamamaril sa Makati

PATAY ang isang pulis matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salaring sakay ng motorsiklo sa Makati City, kahapon ng umaga, Marso 9 Lunes.

 

Kinilala ni Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati police, ang biktima bilang si Maj. Jeffrey Dalson, na nakatalaga sa Camp Crame, ang headquarters ng Philippine National Police.

 

Nakasakay si Dalson sa kanyang Ford Everest, na nakaparada sa isang car repair shop sa may J.P. Rizal Avenue, nang huminto sa likod ng sasakyan ang motorsiklong sinasakyan ng 2 salarin.

 

Bumaba ang nakaangkas sa motorsiklo at pinagbabaril ang bitkima ng 7 beses, na sanhi ng agaran nitong pagkamatay, ayon kay Simon.

 

Naghahanap na ang mga awtoridad ng CCTV footage ng insidente para matukoy at matugis ang mga salarin. (Daris Jose)

Other News
  • Administrasyong PBBM, maglulunsad ng media at information literacy campaign

    MAGLULUNSAD ang administrasyon ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  ng media at information literacy campaign  habang ang Pilipinas ay pinuputakti ng “disinformation at misinformation.”     Sa idinaos na 14th edition ng International Conference of Information Commissioners, ipinagmalaki  ng Pangulo ang Freedom of Information (FOI) program.     “We also have to highlight that the FOI […]

  • P6.2-T national budget iminungkahi para sa fiscal year 2025

    IMINUMUNGKAHI ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang P6.2 trillion national budget para sa fiscal year 2025. Mas malaki ito mula sa P5.768 trillion na budget ngayong taong 2024. Ayon kay National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na target kasi mapalakas pa ng pamahalaan ang mga high impact infrastructure projects na siyang pakatutukan […]

  • Pinoy, binitay dahil sa kasong pagpatay sa Saudi Arabia —DFA

    ISANG Filipino sa Kingdom of Saudi Arabia ang binitay dahil sa kasong pagpatay sa isang Saudi national.   Sa isang mensahe, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega na ginawa na lahat ng departamento ang magagawa nito hinggil sa kaso ng akusadong Filipino kabilang na ang pagpapadala ng presidential letter of […]