• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, lalagdaan ang EO para pagaanin ang trabaho

NAKATAKDANG tintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  ang isang executive order (EO)  na naglalayong i-promote na gawing magaan at madali ang trabaho sa Pilipinas  kabilang na ang pag-proseso sa simpleng transaksyon na hindi tatagal ng mahigit sa “three working days.” 
Sa isang pagpupulong sa  State Dining Room,  ipinanukala ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual  ang paglikha ng executive order ukol sa probisyon  ng guidelines na magpapabilis sa pagpo-proseso ng permit para sa  strategic investments sa bansa at ang paglikha ng  Green Lane.
Binibigyang mandato ng EO ang mga kinauukulang tanggapan na magtatag ng  Green Lane, para  “expedite and streamline the process and requirements for the issuance of permits and licenses, including resolutions of issues concerning strategic investments.”
“Malaking bagay ‘yun. That will address immediately ‘yung tinatawag na ease of doing business na laging nirereklamo sa atin,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Until we get to change the procedures… and to say that… baka ito hindi na kailangan, baka ito extraneous na ito, ito obsolete na ito, ganyan. You cut it down as much as we can,” dagdag na wika ng Pangulo.
Binibigyan din nito ng mandato ng EO ang national government agencies at local government units na  kaagad na gawin ang permit o license application na hindi lalagpas ng  three working days sa kaso ng simpleng transaksyon; seven working days naman sa kaso ng complex transactions, at 20 working days para sa  highly technical transactions mula sa “date of receipt.”
Kabilang naman sa strategic investments  na kinilala ng DTI ay ang mga proyekto ng national significance, highly desirable projects na in-endorso ng  Fiscal Incentives Review Board (FIRB) at FDIs  na inendorso ng  Inter-Agency Investments Promotion Coordination Committee (IAIPCC) o priority projects o activities sa ilalim ng Strategic Investment Priority Plan (SIPP), kinukunsidera bilang mga proyekto ng national significance o highly desirable na maaaring ie-endorso ng Board of Investments (BOI) of the concerned Investment Promotion Agencies (IPAs).
Sinabi ng Malakanyang na ang technical working group na pamumunuan ng BOI ng DTI ang siyang magpapatupad ng  EO at isang BOI-Investment Assistance Service (BOI-IAS) ang magsisilbing “single point of entry ng investment na maga-avail ng Green Lane services  na inendorso bilang nationally significant o highly desirable projects.
Ang hindi  pagsunod sa probisyon ng  EO ay ground o batayan para sa administrative at disciplinary sanctions laban  sa kahit na sinumang delingkuwenteng public officer o empleyado, nakasaad sa ilalim ng umiiral na batas at regulasyon.
Other News
  • PSC, umapela na sa kongreso at senado sa pagkokonsidera ng COMELEC sa mga SEA GAMES athletes sa local absentee voting

    Umaasa ang Philippine Sports Commission na magagawan pa ng paraan ng Commission on Elections upang makaboto ang mga atleta at coaches na makikilahok sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam.     Nauna nang nagpatupad at nag-abiso ang COMELEC sa PSC na ang mga national athletes na lalahok sa SEA Games sa May […]

  • PSG, pinaghahandaan na ang unang SONA ni PBBM

    PATULOY ang ginagawang paghahanda ng  Presidential Security Group para siguraduhin ang seguridad na ipatutupad nito para sa gagawing pag-uulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ukol sa estado ng bansa sa darating na Hulyo 25, 2022.     Sa katunayan, pinangunahan ng PSG ang isang inter-agency meeting sa atas na rin ng bagong talagang PSG Commander […]

  • Libreng sakay mananatili sa gitna ng welga sa transportasyon

    SA ISANG pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay sinabi ng ahensiya na patuloy pa rin na manantili ang libreng sakay na binibigay ng national at lokal na pamahalaan kapag patuloy na magkakaron ng welga ang mga public utility jeepneys (PUJs) sa Metro Manila.       “The LTFRB will coordinate with […]