PBBM, umaasa na makikita na bababa ang presyo ng bigas habang papalapit na ang Kapaskuhan
- Published on December 1, 2022
- by @peoplesbalita
UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bababa ang presyo ng bigas habang papalapit na ang Kapaskuhan.
Tinanong kasi si Pangulong Marcos kung ano ang Christmas gift nito sa lahat ng mga Filipino kung hindi ang bigas sa halagang P20 kada kilo.
“The P20 was really the goal, the dream… We are continuing with the transfer payments that we have began with,” ayon kay Pangulong Marcos.
“We are going to widen the scope of the Kadiwa so it is now… the Kadiwa was always conducted at an LGU level, individually. (Now, it is a) national program,” wika pa ng Pangulo.
“I’m hoping that we can… it looks like baka naman swertehin ,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.
Samantala, binisita naman ni Pangulong Marcos ang International Rice Research Institute (IRRI) headquarters sa Los Baños, Laguna kung saan binanggit nito na i- adopt ang supportive policies para i- modernize ang rice sector bilang bahagi ng “vibrant agri-food i ndustry” sa bansa.
“There are new technologies that address the problems that we are facing, and those technologies are beginning to be disseminated down to the local farmers,” ayon kay Pangulong Marcos sa hiwalay na mensahe.
“The pandemic and the situation in Ukraine have been a glaring reminder of how fundamental the agricultural sector is and food supply not only in the Philippines but to the entire world,” dagdag na pahayag nito..
Tinuran pa ng Pangulo na ang agricultural technologies ay isinulong kahit pa maharap sa panganib ang rice crops mula sa “higher fertilizer prices and challenges in water management.”
“And as I’ve said, it gives me hope to see the research that we were doing is headed exactly in those directions that we feel are going to be necessary — that we have to develop further,” ayon sa Pangulo.
Ang IRRI ay isang independent, nonprofit, research at educational institute, itinatag noong 1960 ng Ford and Rockefeller foundations na may suporta ng Philippine government.
Mayroon itong tanggapan sa 17 rice-growing countries sa Asya at Africa at mayroong mahigit na 1,000 staff.
“The IRRI is the world’s premier research organization dedicated to reducing poverty and hunger through rice science; improving the health and welfare of rice farmers and consumers and protecting the rice-growing environment for future generations,” ayon sa ulat.
-
James Gunn’s ‘The Brave and the Bold’ Could Finally Be A Proper Batman and Robin Movie
THE Batman franchise will be rebooted yet again in The Brave and the Bold, a film set in James Gunn’s DC Universe that could finally be a proper Batman and Robin movie. Robin has been an indispensable part of the Batman mythos, debuting less than a year after Batman himself. While the original […]
-
Malaking bagay na si Yam ang director ng movie: FRANKI, palaban din sa hubaran at nakipagsabayan kina KIKO at JAY
MARAMI ang nakapansin sa isa sa mga Instagram post ni Heart Evangelista na tila ang payat na raw talaga nito ngayon. Although, sa buong showbiz career naman yata ni Heart, never namin siyang nakitang tumaba, huh. Pero medyo kapansin-pansin nga ang mas malaking ibinawas ng timbang ni Heart. Na even her […]
-
Batang lalaki patay sa sunog sa Caloocan
NASAWI ang isang tatlong taon gulang na batang lalaki matapos matrap sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan City. Kamakalawa ng hapon. Ayon kay Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) chief Supt. Roberto Samillano Jr. dakong ala-1:30 ng Miyerkules ng hapon nang sumiklab ang sunog sa bahay na pag-aari ni Edelita Sacil sa Block […]