Face-to-face classes bawal pa rin- Malakanyang
- Published on December 4, 2020
- by @peoplesbalita
MAY paghahanda nang ginagawa ang of Education (DepEd) para sa limited face-to-face classes.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kabila ng bawal pa rin ang nasabing set- up para sa pag-aaral ng mga estudyante.
Giit ni Sec. Roque, hindi pa rin payag si Pangulong Duterte sa tradisyunal na harapang pagka-klase sabay paglilinaw sa naging pahayag ng CHED.
Aniya, na-iquote daw kasi si CHED Chairman Popoy De Vera na inaprubahan na daw ng IATF ang limited face-to-face classes na pinapayagan sa mga low risk areas.
Subalit para kay Sec. Roque, walang ganoong direktiba at naghihintay pa sila ng instruction tungkol dito mula sa Presidente.
Maging si DEPED Secretary Leonor Briones ani Sec. Roque ay nagsabing wala nilang approval ang programa ni VP Leni Robredo na face-to-face class gayung ito aniya’y bawal pa rin.
“Hindi po, naghihintay pa po tayo ng instruction sa Presidente. Bagama’t mayroon pong paghahandang ginagawa ang DepEd, hindi pa po allowed ‘yan dahil hindi pa po pumapayag ang Presidente,” ayon kay Sec. Roque.
“Nilinaw nga po ni Secretary Briones na iyong programa ni VP na mayroong face-to-face, wala po iyang approval ng DepEd at iyan po ay ipinagbabawal pa,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
JENNIFER LAWRENCE AND ANDREW BARTH FELDMAN PLAY HILARIOUS OPPOSITES IN RAUNCHY COMEDY NO HARD FEELINGS
JENNIFER Lawrence has always wanted to make a comedy, but she just couldn’t find the right one. Enter No Hard Feelings. For Lawrence, it was a pleasure to do “something totally different… a totally different genre, with fun scenes and ridiculous dialogue that got me excited! Shooting this movie, alongside a brilliant […]
-
Valdez, MILO Philippines may paehersisyo sa mga kabataan
NAGSANGGANG dikit ang Milo Philippines at Department of Education (DepEd) sa pagpapahalaga sa pisikal na kalusugan ng mga kabataang mag-aaral sa pamamagitan ng social media o socmed. Ipinahayag nitong Martes sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na mga hatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, […]
-
JOSHUA, may tsikang ini-stalk nina JULIA at GERALD ayon sa netizens
PINAG-USAPAN nga ang pagpayag ni Joshua Garcia na makasama ang kanyang ex-girlfriend na si Julia Barreto sa music video ng ‘Paubaya’ ni Moira dela Torre na hanggang ngayon ay #1 on Trending sa Youtube na meron nang 19.6 million views simula nang I-upload noong Febraury 14. Isa nga sa dahilan ni Joshua ay […]