• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SMOKE FREE MANILA INILUNSAD

BILANG bahagi sa selebrasyon ng Lung Cancer Awareness month ay inilunsad ng Department of Health-Metro Manila Center for Health development (DOH-MMCHD) ngayong martes ang kampanya na maging smoke-free ang Manila Bay.

 

 

Ang aktibidad ay inilunsad sa Baywalk Dolomite Beach na may layuning itaguyod at isulong ang isang breathable environment kung saan ang publiko ay maaring magpalipas ng oras habang naglilibang .

 

 

Sa nasabing kampanya, nangako ang ibat-ibang ahensya at NGOs ng No Smoking sign  na ilalagay sa Dolomite Beach.

 

 

Kasama rito ang Metropolitan manila Development Authority at Maila LGU gayundin ang pribadong sektor tulad ng Action on Smoking &Health (ASH) at Philippines and Asia Pacific Cities Alliance for Health and Development (APCAT).

 

 

Noong 2020, ipinakita sa datos mula sa World Health Organization (WHO) Global Cancer Observatory  na ang lung cancer ay nanatiling pangalawang pinakalaganap na sakit at ang pinakakaraniwang sanhi ng pagkamatay na may kaugnayan sa cancer sa parehong kasarian sa  buong mundo.

 

 

Sa Pilipinas, 19,180 na bagong lung cancer ang naitala para sa parehong kasarian na katumbas ng 12.5 percent ng lahat ng kaso ng canser sa bansa.

 

 

Ang nasabing porsyento ay pangalawa sa pinakamataas sa lahat ng uri ng cancer na may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso.

 

 

Sa pamamagitan ng paglulunsad ng Smoke-Free Maila Bay kasama ang mga multi-sectoral partner agencies, sinabi ng DOH-MMCHD na umaasa ang maraming Pilipino na makita ang paninigarilyo bilang isa sa dahilan ng pagkakaroon ng cancer sa baga kaya hindi sila hinihikayat sa nasabing bisyo. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Apela na bawiin ang deployment ban sa mga health workers

    HIHINTAYIN muna ng Inter-Agency Task Force ang magiging patnubay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa apela na bawiin ang  deployment ban sa health workers,   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na  pinag-uusapan na ng mga opisyal ang panukalang i-exempt ang mga nurses at iba pang  medical workers na may kontrata na nilagdaan “as […]

  • Tiwala si Joey para mag-host ng ‘Wow Mali: Doble Tama'” JOSE at WALLY, para nang mag-asawa sa tagal ng pagsasama

    NGAYONG ika-26 ng Agosto 2023, pagkalipas ng walong taon ay nagbabalik na ang bagong bihis na “Wow Mali: Doble Tama” dahil ipinasa na ito Joey de Leon kina Jose Manalo at Wally Bayola.     Pandemic palang ay tinanong na ng APT Entertainment ang comic duo at um-oo naman sila sa offer.     “Kaya […]

  • Marcos, inilatag ang mga prayoridad para sa 2023 national budget

    INATASAN ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. si incoming Department of Budget and Management (DBM) secretary Amenah Pangandaman na tiyakin na ang kanyang priority sectors ay makakakuha ng suporta mula sa 2023 national expenditure program.     Sinabi ni Pangandaman, sa isang kalatas na bilang karagdagan sa economic reconstruction target ni Marcos Jr., nais ng […]