Babaeng suspek sa Hernando robbery-slay sa Valenzuela, timbog
- Published on December 4, 2020
- by @peoplesbalita
Nadakip na ng mga awtoridad ang isang babae na kabilang sa mga suspek sa robbery-slay case sa company messenger na si Niño Luegi Hernando sa Barangay Paso De Blas, Valenzuela City noong October 9.
Pinuri ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang Valenzuela Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega dahil sa matagumpay na pagkakaaresto kay Jo-Anne Quijano Cabatuan, 31 ng Brgy. Lawang Bato sa bisa ng warrant of arrest sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. Lourdes, Minalin, Pampanga.
Si Cabataun ay unang naging saksi sa brutal na pamamaril kay Hernando ng riding-in-tandem na mga suspek na si Rico “Moja” Reyes at Narciso “Tukmol” Santiago bago tinangay ng mga ito ang motorsiklo at sling bag ng biktima na naglalaman ng pera.
Sa masusing imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na sangkot si Cabatuan sa kaso dahil sa pagbibigay umano ng impormasyon sa gunman sa kinaroroonan ni Hernando matapos itong mag-withdrew P442,714 cash sa bangko. Nadiskubre din ng pulisya na si Hernando ay tumistigo kontra sa live-in partner ni Cabatuan na kalaunan ay nakulong sa kasong rape.
Nauna nang naaresto ng pulisya ang dalawa pa sa mga suspek na si Edgar Matis Batchar at AWOL na pulis na si Cpl. Michael Bismar Castro habang patuloy namang pinaghahanap ang mga pangunahing suspek na sina Reyes, Santiago, at PO1 Anthony Glua Cubos na pawang kinasuhan ng Robbery with Homicide.
Ang pamahalaang lungsod ay magbibigay ng P300,000 reward bawat suspek sa sinumang makapagbibigay impormasyon para sa agarang pagkakaaresto sa mga ito.
“We will not stop until all the suspects are brought forward into justice,” ani Mayor REX. (Richard Mesa)
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 11) Story by Geraldine Monzon
NAPILITAN si Cecilia na puntahan si Bernard para humingi ng tulong dito sa trabaho. Sa pagbubukas ng pinto ay isang lasing na Bernard ang bumungad sa kanya. “Angela?” Hindi nakaimik si Cecilia nang tawagin siya nitong Angela. Nabigla pa siya nang yakapin siya nito ng mahigpit. “Angela, salamat at nagbalik ka!” […]
-
Most awarded female artist ng BBMAs: TAYLOR SWIFT, naghakot ng nominations sa ‘2023 Billboard Music Awards’
NAGHAKOT ng nominations in 20 categories si Taylor Swift sa 2023 Billboard Music Awards (BBMAs). Magaganap ito on November 19 sa MGM Grand Garden Arena in Las Vegas. Si Taylor ang most awarded female artist ng BBMAs with 29 wins. Kung mahakot niya ang lahat ng awards, matatalo na niya […]
-
3 SOUTH KOREANS INARESTO NG BI
INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Koreans na nasa listahan ng wanted ng kagawaran at illegal na paninirahan sa bansa. Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ng BI’s fugitive search unit (FSU), kinilala ang tatlo na sina Han Jeongcheol, 47, Yang Wonil, 48, at Cho […]