• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Residential building sa Malabon gumuho, 3 sugatan

ISANG 22-anyos na dalaga ang na-trap habang dalawa ang sugatan matapos gumuho ang isang apat na palapag na residential building sa Malabon City, Linggo ng umaga.

 

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, si Ronalyn Tumbokon ay na-rescue bandang alas-11:25 ng umaga nang ma-trap ng higit apat na oras matapos gumuho ang residential building sa 74 Orchids St., Brgy. Longos, dakong alas-7 ng umaga at dinala sa Ospital ng Malabon.

 

 

Kinilala naman ang dalawa pang sugatan na sina Rhodora Tumbukon at Francisco Catindoy na unang na-rescue ng mga tauhan ng Malabon Disaster Risk Reduction Management Office (MDDRMO) at Malabon Bureau of Fire Protection (BFP).

 

 

Sa tinanggap na report ni Col. Daro, ang bahay kung saan nakatira ang mga biktima ay nadamay lamang ng gumuhong istraktura na katabi ng kanilang bahay.

 

 

Ang mga pamilyang nakatira sa gumuhong residential building ay binubuo ng lima mula sa Esilio family at apat mula sa Morada family na hindi naman nasaktan matapos agad makatakas bago gumuho ang istraktura.

 

 

Personal namang binisita ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang pinangyarihan ng insidente para alamin ang kalagayan ng mga biktima at pinayuhan ang mga residenteng nakatira malapit sa gumuhong gusali na pansamantalang iwanan ang kanilang mga bahay hanggang matapos ang imbestigasyon at assessment na isinasagawa ng Malabon BFP at City Engineering Office.

 

 

Bumisita din sa nasabing lugar si Cong. Jaye Lacson-Noel para kamustahin ang mga biktima habang patuloy naman imbestigasyon sa insidente subalit, naniniwala ang mga awtoridad na mahinang pundasyon ng gusali ang posibleng dahilan ng pagguho. (Richard Mesa)

Other News
  • Hiniling na ipagpaliban muna ang 3-strike policy ng TRB

    Hiniling ng isang House leader sa Toll Regulatory Board (TRB) na ipagpaliban muna ang implementasyon ng 3-trike policy para sa mga motoristang gumagamit ng radio frequency identification lanes na walang sapat na load.     Si House Deputy Speaker Wes Gatchalian ang humuling na ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng three-strike policy hanggang wala pa ang […]

  • Suplay ng isda sa Holy Week, sapat – BFAR

    TINIYAK ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na sapat ang suplay ng isda sa panahon ng Semana Santa.   Ayon kay BFAR spokesperson Nazario Briguera, kumpiyansa ang kanilang hanay na sapat ang suplay ng isda dahil binuksan na ang periodic closure sa pangi­ngisda sa ilang lugar.   “Dahil nasa peak season tayo ngayon […]

  • 3-day national COVID-19 vaccination drive, handa na kahit kulang pa ng volunteers – NTF

    All set na ang pamahalaan para sa pagsisimula ng tatlong araw na national vaccination drive simula bukas, Nobyembre 29.     Ito’y kahit 51,000 pang volunteers ang kulang ayon kay National Task Force Against Coronavirus Disease 2019 (NTF – COVID-19) spokesperson Restituto Padilla.     Kasabay nito ay iginiit ni Padilla na kailangan pa rin […]