Hiniling na ipagpaliban muna ang 3-strike policy ng TRB
- Published on February 22, 2021
- by @peoplesbalita
Hiniling ng isang House leader sa Toll Regulatory Board (TRB) na ipagpaliban muna ang implementasyon ng 3-trike policy para sa mga motoristang gumagamit ng radio frequency identification lanes na walang sapat na load.
Si House Deputy Speaker Wes Gatchalian ang humuling na ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng three-strike policy hanggang wala pa ang interoperability ng dalawang (2) major tollway operators.
“Until such time that Easytrip and Autosweep are made compatible with each other’s tollway system, no fines should be imposed on motorists using the expressways,” wika ni Gatchalian.
Ang San Miguel Corp ang siyang namamahala sa South Luzon Expressway na gumagamit ng cashless toll payment na Autosweep. Samantalang ang Metro Pacific Tollways Corp ay ang gumagamit ng Easytrip cards para sa mga motoristang dumadaan sa North Luzon Expressway.
Ayon kay Gatchalian na bakit ang mga motorista ang dapat na parusahan at bigyan ng multa samantalang ang mga toll operators ay walang ginagawa upang maging maganda at maayos ang implementasyon.
“Why should we penalize motorists who use the expressways when the toll operators are getting away despite bungling the implementation of the cashless toll payment system?” saad pa rin ni Gatchalian.
Noon pa man ay giniit na niya sa Department of Transportation (DOTr) na suspendihin muna ang cashless toll collection payment hanggang ang RFID interoperability bill ay hindi pa napapasa at nilalagdaan bilang isang batas ng Mababang Kapulungan.
Ayon pa rin kay Gatchalian na ang mga mambabatas mula sa Metro Manila ay nagkakaisa na ang RFID system ay dapat munang ipagpaliban hanggang ang lahat ng mga issues ay naayos na.
Ayon naman kay alternate TRB chairman Garry de Guzman, ang nasabing policy ay naglalayon na itanim sa mga motorista ang disiplina na maglagay muna ng load bago pa sila pumasok sa mga RFID lanes upang maiwasan ang pagkaantala at kaabalahan sa mga motoristang sumusunod na gumagamit ng RFID.
“Since there are already a lot of RFID users, sad to say, there are also who are abusive. They enter RFID lanes without load. You will be surprised that based on the statistics given by the operators, there are those who enter 50 times without load,” saad ni de Guzman.
Kung kaya’t upang maresolba ang nasabing problema, ang TRB board ay sumangayon na gumawa ng three-strike policy.
Sa ilalim ng planong three-strike policy, ang mga hindi susunod na mga motorista ay bibigyan ng paalala para sa kanilang unang paglabag, babala naman sa ikalawang paglabag at paghuli na may kasamang multa sa ikatlong pagkakataon.
Ang pagkakaron ng patuloy na pagsisikip ng trapiko ay lagi na lamang nangyayari sa mga major toll plazas tulad ng Calamba kung saan ang mga motorista ay nagbabayad ng cash na dapat sana ay para sa mga gumagamit ng RFID.
Samantala, payag naman ang Miguel Corporation (SMC) sa patakaran ng Toll Regulatory Board (TRB) na magpatupad ng “three-strike” policy para sa mga motoristang gumagamit ng electronic payment collection lanes kahit na kulang na ang load credits. (LASACMAR)
-
COVID pandemic: Nasa 3-M manggagawang nawalan ng trabaho, bibigyan ng cash aid – DOLE
Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na aabot sa 3.3 milyon ang bilang ng mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa Coronavirus Disease (COVID) pandemic. Sa naging panayam kay Labor Secretary Sylvestre Bello III, sinabi niya na karamihan sa mga manggagawang nawalan ng trabaho ay galing sa mga restaurant, hotels, transportasyon, clerical […]
-
Gilas Pilipinas nakaabang sa IATF approval
MINAMADALI na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang mga requirements upang mabilis na makuha ang go signal ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagbabalik-ensayo ng Gilas Pilipinas. Gahol na sa oras ang Gilas Pilipinas dahil halos isang buwan na lamang ang nalalabi bago ang FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa Nobyembre. […]
-
Pangulong Marcos, ipinaabot sa publiko ang kanyang pagbati para sa pagdiriwang ng Chinese New Year 2023
IPINAABOT ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang pagbati habang ipinagdiriwang ng buong mundo ang Chinese New Year 2023. Sinabi ng Pangulo na sa pamamagitan ng mga pagdiriwang, nakikilala ang mga ugnayang nagbubuklod sa atin bilang isang pamilya, isang komunidad, at bilang isang bansa. Aniya, habang ipinagdiriwang ang bagong taon […]