• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

UMID ID ng SSS, papalitan ng ATM Pay Card

PAPALITAN na ang re­gular UMID card na gina­gamit ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) matapos maki­pagkasundo ang ahensya sa mga bangko para sa pagpapalabas ng bagong UMID ATM Pay Cards.

 

 

Kapag mayroon nang UMID ATM Pay Cards, ang SSS members ay mas mabilis nang makakakuha sa kanilang account ng kanilang benepisyo, loans, at refunds, at maaari ring maka-access sa mga participating banks na may available ATMs, at online & mobile platforms para sa kanilang banking transactions.

 

 

Sinabi ni SSS Pre­sident at CEO Michael Regino na ang UMID ATM Pay Card program ay mas accurate at nasa tamang panahon na makukuha ang benepisyo at loans ng mga miyembro.

 

 

“Currently, SSS is offering UMID ATM Pay Cards that are linked to a regular savings account, with the Union Bank of the Philippines (UBP) as the first participating bank. The UBP will also allow those with pending generic UMID cards for production to avail of this upgrade for free,”  sabi ni Regino.

 

 

Ang SSS member na kukuha ng card nga­yong taon ay tatanggap ng P200 Jollibee e-Gift Certificate at may tsansa na manalo ng Mitsubishi Xpander mula sa UBP oras na ma-activate ang kanilang account na may P1,000 deposit sa bangko. Ang promong ito ng UBP ay tatagal hanggang Pebrero 28, 2023.

 

 

Sa unang tatlong buwan ng 2023, ang Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) ay mag-iisyu na rin ng UMID ATM Pay Cards para sa SSS members. Isusulong din SSS ang partnership sa iba pang bangko para sa naturang pay card.

 

 

Hinikayat ng SSS ang lahat ng miyembro nito na mag-register sa My.SSS portal sa www.sss.gov.ph, at e-enroll ang updated contact information kasama na ang mobile numbers at email addresses para makatanggap ng mga mahahalagang impormasyon at updates tungkol sa UMID ATM Pay Card at ibang impormasyon mula sa SSS. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, inaprubahan ang pagbibigay ng hazard pay sa lahat ng government workers

    INAPRUBAHAN  ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibigay ng hazard pay sa lahat ng government workers na kailangan na pisikal na magreport sa trabaho habang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) period mula Abril 12 hanggang Mayo 14 o Mayo 31.    Sa pamamagitan ng Administrative Order 43, na ipinalabas araw ng Miyerkules, […]

  • Caloocan, naglunsad ng libreng bakuna para sa mga estudyante

    OPISYAL na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, sa pamamagitan ng City Health Department (CHD) at sa pakikipagtulungan ng Schools Division Office (SDO) ang immunization program na nakabase sa Caloocan High School.     Layunin ng nasabing programa na mabakunahan ang mga mag-aaral mula grade 1, 4, at 7 para palakasin ang resistensya ng mga […]

  • Teves, hindi pa rin itinuturing na pugante

    HINDI pa rin itinuturing ng Anti-Terrorism Council (ATC)  na isang pugante si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sa kabila ng tinawag na itong terorista.     Ang paliwanag ni Assistant Secretary at kasalukuyang Deputy Spokesperson Mico Clavano na wala pa naman kasing warrant of arrest  na ipinalalabas laban kay Teves para ikonsidera siya bilang […]