PBBM, uungkatin ang isyu ng South China Sea sa EU-ASEAN Summit
- Published on December 12, 2022
- by @peoplesbalita
UUNGKATIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isyu ng South China Sea sa European Union-Association of Southeast Asian Nations (EU-ASEAN) Business Summit sa Brussels, Belgium sa susunod na linggo.
Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu sa pre-departure press briefing sa Malakanyang na kabilang ang South China Sea sa mahalagang usapin na uungkatin ng Pangulo sa partisipasyon nito sa summit mula Disyembre 12 hanggang 14.
At sa tanong kung hihingi ng suporta si Pangulong Marcos sa EU ukol sa long-standing maritime issue sa China, tinuran ni Espiritu na matagal nang suportado ng EU ang Pilipinas.
Sa katunayan nga aniya ay nagsimula ang suporta nito nang lumabas ang arbitral ruling noong 2016 pabor sa Pilipinas.
“At this point EU has been supporting the Philippines on the South China Sea, including sa (the) arbitral. And this is not only true in terms of the European Union as a whole, but may (there are) individual members who have supported us even sa (in the) arbitral award,”ayon kay Espirutu.
Binigyang diin pa ni Espiritu na ipagpapatuloy ng gobyerno ng Pilipinas ang posisyon nito sa nasabing usapin sa magiging talakayan sa ASEAN at EU.
Hindi aniya kasama sa posibleng hihingin na commitment ng Pilipinas mula sa EU ang patrol support.
Ani Espiritu, sapat na ang suporta na ibinibigay ng EU sa Pilipinas.
“Yung actual patrol siguro–medyo malayo kasi EU e, malayo tayo but enough na yun na ang lakas ng pronouncement nila paulit ulit yung support nila sa Philippines on the issue,” ang wika ni Espiritu
“I-arrange mo pa ‘yung actual patrol, we are not discounting that but of course malaking undertaking yan kung sakali. Wala naman sa card ‘yan so far,” dagdag na pahayag nito.
-
DOT sa mga awtoridad, tugunan ang “excess tourist arrivals” sa Boracay
NAGPASAKLOLO na ang Department of Tourism (DOT) sa government authorities matapos na mabigo ang Boracay local government na kontrolin ang bilang ng mga turista. Lumampas na kasi ang bilang sa kapasidad na dapat lamang sa itinakda sa Boracay sa panahon ng Semana Santa. Sa isang kalatas, sinabi ng DOT na ipinagbigay-alam […]
-
Tanong ng netizens, bakit pati sina Liza at Julia? : KATHRYN, in-unfollow na si DANIEL kaya malabo nang magkabalikan
NAGING usap-usapan ng netizens ang ginawang pag-unfollow ni Kathryn Bernardo kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla sa Instagram. Tila nagbigay na ng hudyat si Kath na imposible na silang magkabalikan pa ni DJ, na balitang muling nanunuyo sa babaing minahal nang lubusan. Napanood nga sa video sa kasal nina Robi Domingo […]
-
Napakahusay talagang magpakilig: STELL, single pero ‘forever boyfriend’ na ng mga A’TIN
NAPAKAHUSAY talagang magpakilig ni Stell Ajero ng SB19, no wonder andaming may crush at nagpapantasya sa kanya. Sa pinaka-aabangang guesting niya kay King of Talk sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ ay naitanong rin sa wakas kay Stell ang million-dollar question na nais itanong sa kanya ng marami; ang tungkol sa kanyang lovelife. […]