Mahigit sa 1.4-B DSWD disaster relief funds, naka-standby para kay ‘Rosal’
- Published on December 13, 2022
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na mayroong P1.4 bilyong halaga ng standby funds ang Central Office, Field Offices, at National Resource Operations Center bukod pa sa stockpiles bilang paghahanda sa pananalasa ni tropical depression Rosal.
Maliban pa dyan, may mahigit na 547,000 family food packs ang nakahanda para ipamahagi sa local government units na mangangailangan.
“Tinitingala tayo ng mga tao and we are expected to do our job. And our job is to respond to every calamity or disaster,” ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo sa idinaos na coordination meeting kasama ang FOs regional directors.
Sa nasabing miting, sinabi ni Tulfo na nakahanda ang DSWD na magbigay ng technical at resource assistance sa LGUs na maaapektuhan.
Ayon sa 5 p.m. bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), araw ng Linggo, Disyembre 11, napanatili ni Rosal ang lakas nito habang kumikilos patungong northeastward ng Philippine Sea.
Habang patuloy na kumikilos papalayo si Rosal mula sa Philippine landmass, asahan na ang maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan at kulog sa ilang bahagi ng Luzon partikular na sa Quirino, Aurora, Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, at Camarines Norte.
“Aside from rain showers caused by the trough of Rosal, the tropical depression is less likely to bring heavy rains in the country throughout the forecast period,” ayon sa PAGASA. (Daris Jose)
-
CoronaVac ituturok sa mga senior na may ‘controlled comorbidities’
Parehong gagamitin ng Department of Health (DOH) ang hawak na mga bakuna mula sa AstraZeneca at CoronaVac ng Sinovac sa mga senior citizens ngunit ang huli ay ilalaan para sa mga may controlled “comorbidities”. Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na habang tinatapos pa ang pagbabakuna sa mga healthcare workers ay maaari na […]
-
Dahil ayaw magpa-kiss sa eksena nila ni David: BARBIE, natawa sa nam-bash na ‘di siya magaling na aktres
NAKAKATAWA ‘yung na-bash si Barbie Forteza na dahil hindi siya nakikipag-kissing scene kay David Licauco sa ‘Pulang Araw’ ay hindi na raw mahusay na aktres si Barbie. Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa ’24 Oras Weekend’ una muna ay sumagot sina Barbie at David ng mga questions tungkol sa bawat […]
-
Ardina, Pagdanganan pasok sa Cambia finals
PAREHONG nagsumite sina veteran Dottie Ardina at rookie Bianca Pagdanganan ng even-par 72 upang pumasok sa 80 sa cutoff at nakasigurado na ng cash prizes sa penultimate playdate nitong Linggo (oras sa Maynila) ng Cambia Portland Classic sa Columbia Edgewater Macan Course sa Oregon. Kaya lang buhat mula 16-way tie sa 23rd place sa […]