• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

27K pasahero dumadagsa kada araw

UMAABOT sa 27,000 pasahero ang lumalapag sa bansa kada araw na karamihan ay mga balikbayan na nais makasama ang kanilang pamilya sa selebrasyon ng darating na Pasko, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

 

 

Sinabi ni Carlos Capulong, acting chief ng BI-Port Operations Division, nasa pagitan ng 25,000 hanggang 27,000 ang kanilang naitatala na dumarating na pasahero sa lahat ng paliparan sa bansa nitong mga nakalipas na araw.

 

 

Napakalaki ng agwat nito kumpara sa 5,000 passenger arrivals na naitala nila nang umpisahang buksan ang borders ng Pilipinas sa mga dayuhang turista nitong Marso.

 

 

Samantala, inaasahan pa na lalong dadagsain ng dayuhang turista ang Pilipinas partikular na ang Boracay sa pagbubukas ngayong Dis­yembre ng international flights patungo sa Taiwan sa mga bagong Kalibo at Caticlan airports sa Aklan.

 

 

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na nakaiskedyul na ikasa ang “inaugural flight” ng “new Caticlan airport” ngayong araw (Dec. 13) mula Caticlan patungo sa Taipei ng Royal Air.

Other News
  • Ads March 17, 2023

  • FIRE PROTECTION AGENT AT 2 BABAE, TIMBOG SA P253K SHABU

    TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang fire protection agent ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na si Reya Remodaro, 24, (Pusher Listed top 4), sales lady, […]

  • MGA HEALTH PROFESSIONALS, PUWEDE ULIT MAGTRABAHO SA IBANG BANSA

    PUWEDE nang makaalis patungong ibang bansa ang mga health professionals na kumpleto na ang mga papeles “as of August 31.”   Sinabi ni Presidential spokes- person Harry Roque na pumayag na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na makaalis ng bansa ang mga medical professionals matapos ang pansamantalang travel ban na ipinatupad.   Ani Sec.Roque, sa […]