• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BFP fire truck bidding, iimbestigahan ng DILG

IIMBESTIGAHAN ng  Department of Interior and Local Government (DILG) ang di umano’y “restrictive” bidding process ng Bureau of Fire Protection (BFP) para sa  fire trucks nito.

 

 

Nauna na kasing naghain ang Makabayan Bloc ng batas na nananawagan at humihiling ng imbestigasyon sa  procurement proces sa BFP, sabay sabing ang  “restrictive procurement process practically gives undue advantage since 2018 to only two joint venture entities.”

 

 

“Gagawain po namin ngayon, co-conduct kami ng sarili naming investigation para malaman naming kung anong mga nangyari nung nakaraan, and sa ngayon po naman, mayroon pong mga complaints o charges na nai-file sa Ombudsman,” ayon kay DILG Undersecretary for Public Safety Serafin Barretto Jr.

 

 

Ani Barretto, inihain ang reklamo laban sa  BFP at sa Bids and Awards Committee members nito subalit hindi na pinalawig pa kung sinong mga opisyal ang sinampahan ng kaso at kung anong kaso ang inihain laban sa kanila.

 

 

Wala rin siyang ideya kung sino ang naghain ng reklamo kanino.

 

 

At dahil ang BFP ay nasa ilalim ng hurisdikayon ng  DILG, sinabi ni Barretto na nakikipag-ugnayan na sila sa bureau ukol sa usapin.

 

 

“Sinasabi nila na ligal ang kanilang mga process dahil independent procuring entity naman talaga sila,” ang wika ni Barretto.

 

 

Nauna rito, hiniling ng Makabayan Bloc sa House Committee on Good Government and Public Accountability na maimbestigahan ang kuwestiyunableng bidding process sa pagbili ng firetruck ng Bureau of Fire Protection (BFP).

 

 

Sa House Resolution No 10 na inihain ng Makabayan Bloc ipinunto nito na nagpatupad ng limitasyon ang BFP sa kung sino lamang ang maaaring makasali sa bidding kaya ang naging resulta ay dalawang kumpanya lamang ang nakalahok.

 

 

“Among the restrictions imposed by BFP is limiting the qualified bidders to those that had been engaged in the manufacture or assembly of fire trucks and/or rescue truck vehicles for at least 15 years in the Philippines prior to the opening of the bids, the restrictive procurement process practically gives undue advantage to only two joint venture entities: JROG MARKETING (JROG) which carries the Isuzu brand of engine, cab and chassis and F. CURA INDUSTRIES (CURA), which carry the Hino brand engine, cab and chassis,” paliwanag ng Makabayan Bloc.

 

 

At nang tanungin ukol dito, sinabi ni Barretto na binasura na ang probisyon ngayong taon sa ilalim ng bagong administrasyon.

 

 

“Sa ngayon po, natigil na po ‘yan. Sa new term of reference, wala pong ganong requirements na 15 years,” ani Barretto.

 

 

Samantala, welcome naman sa DILG ang panukalang imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

 

 

“Welcome naman ‘yan para sa amin. Mas maganda nga ‘yon eh, para mas malinaw sa taumbayan na ayan, may ginagawa ang pamahalaan para labanan kung may anomalya,” ayon kay Barretto. (Daris Jose)

Other News
  • Pangangampanya sa Holy Thursday, Good Friday bawal – PNP

    PINAGBABAWAL ang pangangampanya sa April 14, Holy Thursday at April 15, Good Friday.     Ito  ang paalala ni Philippine National Police  chief General Dionardo Carlos sa lahat ng mga kandidato ngayong eleksyon.     Ayon kay Carlos ito ay batay sa calendar of activities na ipinasa ng Commission on Elections (COMELEC) at pagbibigay respeto […]

  • Roy Jones Jr. nagbanta na aatras sa laban nila ni Tyson

    Nagbanta si dating four-division world champion Roy Jones Jr na umatras sa laban niya kay Mike Tyson.   Ayon sa 51-anyos na boxer, nakakadismaya ang nasabing paglipat ng petsa sa nasabing laban.   Mula kasi sa dating Setyembre ay inilipat ang laban sa Nobyembre.   Ang nasabing paglipat ng petsa ay para makalikom pa ng […]

  • Devanadera, Pantone tigil na sa paghambalos

    ISINABIT na Sina PLDT Home Fibr veterans Lizlee Ann ‘Tatan’ Gata-Pantone at Sasa Devanadera ang kanilang mga playing jersey bilang mga volleybelle.   Kinumpirma ito nitong isang araw  ng kanilang coach na si Rogelio ‘Roger’ Gorayeb at ng Power Hitters sa mga Facebook post.   “Our #PowerHitters Tatan Gata-Pantone and Sasa Devanadera are now signing […]